Monday, March 18, 2019

K Brosas nag-beast mode sa fan na nanlait at nambastos kay Chokoleit

Views
Photo credits: ABS-CBN News
Nagalit si K Brosas sa kanyang IG account nang mabasa niya ang pambabastos at pambabasag ng isang follower sa pagiging emosyonal niya sa caption ng isang throwback video nila ng yumaong matalik na kaibigang si Chokoleit.

Aminadong hindi nagustuhan ni K ang pang-aasar ng isang follower ang walang kuwentang at mapang-asar na comment nito.

Heto ang comment ng fan:
@ronaldfreelandlaw, “Planet X is COMING the earth destroyer called wormwood in revelation red ALERT Ame­rica gave north kore parts for EMP.”
Naramdaman at na-gets ni K na pambabastos sa kanyang pagdadalamhati at pagluluksa sa kaibigang si Chokoleit kaya umakyat ang dugo niya sa ulo, at inaway ang follower.
“@ronaldfreelandlaw, wtf? Seriously U have the auda­city to comment about my post???? Is it connected to my friends death??!! Gago kaba? O sadyang walang res­peto?? Talaga ba? May planet x na parating?? Mauna ka na dimunyu ka! Wala akong pakialam sa ‘theory’ mo…wag ka mag-comment ng ganyan dito…ay syet baka English speaking ka pala..so u take ur theory blah blah somewhere else and res­pect my friends death and our grief! Sira-ulo! (patol ako pag ganito!) At naka-screenshot nato kc baka mag-private)…gawa ka ng documentary para ptunayan yan wag dito sa mga nakikiramay shunga!”
Kaya naman hindi mapigilan ni K ang kanyang sarili dahil nasa kalagitnaan siya ng pagdadalamhati at wala pa sa lugar na gawin katatawanan at pagtripan ang sitwasyon kaya madali lang uminit ang ulo.




Source: Abante

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment