Wednesday, September 11, 2019

Malas: Julia ligwak sa bagong TVC ni Joshua Garcia

Views
Manila, Philippines – Nakasanayan na o naging normal na ang pagka naghiwalayan na ang isang love team ay ang lalake ang lumalagapak o masnagiging dehado ang karera sa showbiz, ngunit isa na namang mas-sumikat na male personality ang nagpatunay na hindi 'yun totoo. Matatandaang si Tirso Cruz III, na nang mahiwalay ang pangalan kay Nora Aunor ay patuloy pa rin ang takbo ng mabiyayang career sa showbiz mapahanggang ngayon ay malago pa rin ang pangalan at career.

Joshua Garcia IG

Pero ngayong makabagong panahon ay pinatunayan din ito ng pambansang bae ba si Alden, hindi kasi naging patapon ang career nang mahiwalay pudar ni Maine Mendoza. Mas-sumikat pa nga si Alden dahil sa matagumpay nilang tambalan sa pelikula ni Kathryn Bernardo.

At 'wag natin kalimutan ang isa pang male personality ang patuloy na pagtaba ng kanyang career kahit na split na sila ni Julia Barretto, paano kasi masgusto ng mga netizens ang tambalan nila ngayon ni Janella Salvador sa kanilang mataas na rating na teleserye na "The K!ller Bride" masnaging malinis at kumikininang pa nga ang imahe niya ngayon nang mawala si Julia na sabi nila rati ay kapit lang kay Julia ang aktor.

May bagong TVC si Joshua para sa isang malaking food chain, nag-iisa na lang siya sa commercial, wala na si Julia na dati niyang katambal sa nasabing TVC.

Joshua and Julia on Jollibee TVC

Joshua on Jollibee TVC

Ang isang magaling na aktor na tulad ni Joshua Garcia ay hindi kailanman mapag-iiwanan. Maraming nagguguwapuhang artistang lalaki ngayon pero kulang naman sa talento.

Si Joshua, hindi man siya ang klaseng super-guwapo talaga ay pinagniningning naman ng talento ang kanyang karera, siya ang itinuturing na pinakamagaling na aktor ng kanyang panahon.
At nasa kanya ang simpatya ng buong bayan sa nangyari sa kanilang relasyon ni Julia na naugnay ang pangalan kay Gerald Anderson.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment