Thursday, June 4, 2020

27-Anyos na Isang Gurong Pinoy sa Thailand Natagpuang Wala nang Buhay

Views

Isang 27-anyos na Pinoy na guro sa Thailand ang natagpuang wala nang buhay sa kanyang unit apartment sa Nonthaburi na gumamit lamang ng power cord upang wakasan ang sariling buhay.

Ang guro ay may liham bago niyang wakasan ang kanyang buhay at nakasulat din ang dahilan kung bakit niya ito nagawa.  Sa kanyang mga sinulat makikita rin ang kanyang mga habilin para sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas

Kinabukasan pa siya nakita at naalis ng pulisya ang kanyang bangkay sa inuupahang apartment sa Nonthaburi. Ayon pa sa Pinothaiyo, guro si Melvin sa Chulalongkorn University Nonthaburi Project. Dahil sa COVID-19 na patuloy na lumalaganap sa buong mundo, apektado rin ang trabaho ng guro.

Ang natagpuang liham ay nakasulat ang kanyang mga problema at ang dahilan kung bakit niya nagawa ito.

 “So stress, anxiety, paranoid, family problem, job problem, money, failed dream. I can’t do this anymore. It hurts,” sinulat ni Melvin.

“Hindi ko na po alam ang gagawin ko dito sa Thailand. Hindi na ako makakain, di manlang ako makauwi sa Pinas,” dagdag pa niya.

Depresyon sa kasalukuyang nangyayari ang naging dahilan ng guro kung kaya pinili niyang kitilin ang sariling buhay.

Hindi rin kinalimutan ni Melvin na maghabilin na kung ano ang gagawin sa kanyang mga gamit at maging sa sarili niyang bangkay. Agad naman nang naipaalam sa Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs ang pangyayaring ito kay Teacher Melvin.

Panoorin ang naturng video:



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment