Thursday, December 3, 2020

Hipon Girl Napaiyak Nang Aminin sa Madla ang Ginawa ni Willie sa Kanya

Views
Herlene Hipon YT

Hindi napigilan ng Herlene Budol o maskilalang Hipon girl ang lubos na pagpapasalamat kay Kuya Wil at hindi niya napigilang mapaluha dahil sa pagtulong sa kanya ni Willie Revillame na kanyang ipinahayag sa latest nitong vlog. 

Sa kuwento ni Hipon girl bumigay daw kasi kanilang bubong dahil sa bagyong Rolly at nang makarating daw kay Willie ang balita ay agad ito tinulungan si Hipon Girl para mapaayos agad ang kanilang bahay.

Herlene Hipon YT

Herlene Hipon YT

Herlene Hipon YT


Sa umpisa ng kanyang vlog ipinakita agad ni Herlene ang kanilang bahay para rin ipaalam na hindi totoo ang napapabalitang mayroon na siyang magarang bahay.

“Bakit nga ba ako nag-house tour? Kasi sa Youtube maraming nakikitang pekeng bahay ko daw, mga mansion, may sasakyan. Hindi po sa’kin yun.” Sabi ni Hipon girl. 

“Speaking of Wowowin, nabagyo po kami ng bagyong Rolly, Nabutas po yung bubong namin, nalipad po yung isang kalahati po nung yero.”

“So nkarating po kay Kuya Wil at Binigyan niya po ako ng 2Ok. Sabi niya dito pampaayos daw ng bubong. Ayan, thank you so much po kay Kuya Will sa 2Ok na nabigay niya. Kuya Wil maraming maraming salamat. ”

Herlene Hipon YT

Herlene Hipon YT

Herlene Hipon YT


Hindi napigilang maging emotional ni Hipon dahil kahit hindi siya host ng Tutok to win ay patuloy pa rin ang pagtulong sa kanya ni Kuya Wil, kanya rin naikuwento ang binigay sa kanya ni Kuya Wil na tablet para sa kanyang online class.
 
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment