Tuesday, March 29, 2022

Sab Magalona at Kanyang mga Kabanda Pinagtawanan at Kinantiyawan si Toni Gonzaga

Views
Larawan mula sa Tiktok ni Luyi72

 Dahil sa pagiging totoo ni Toni Gonzaga sa kanyang sarili at lakas loob nitong suportahan ang isang kandidato sa pagkapangulo na masasabing katungali o kalaban ng kanyang home network na ABS-CBN o Kapamilya network ay marami ring artista ang nagpahiwatig na kung gaano sila na disappointed sa ginawa ni Toni dahil alam naman nating kung gaano kalaking artista si Toni at naging daan ng kanyang kasitan ay isa na rin ang suporta sa kanya ng Kapamilya network. 

Pero kapalit naman ng pagiging taliwas niya sa kandidato ng kanyang network sa pagkapangulo ay ang suporta rin ng mga taong nagmamahal sa sinusuportahan niyang kandidato sa pagkapangulo. Matatandaang isa rin si Dawn Chang sa mga artista na bumatikos kay Toni Gonzaga at isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging usapin ang pagpapa-cancel culture kay Toni G. 

Larawan mula sa Tiktok ni Luyi72

Matatandaang noong nagpakita ng suporta si Toni Gonzaga sa isang kandidatong ayaw ng kanyang home network at nag-trending ang pagpapa-cancel kay Toni Gonzaga sa Twitter ngunit kahit pa naging trending ito ay hindi ito naging hadlang sa kasikatan ni Toni at sa kanyang pangalan dahil instead na ma-cancel siya ay maslalo pang dumami ang kanyang mga followers sa IG at subscribers sa YT. 

Larawan mula sa Tiktok ni Luyi72

Pero isa namang bidyo ang kumakalat ngayon sa Tiktok na kung saan ang anak ng isang sikat na rapper na si Sam Magalona at kanyang mga kabanda ay makikitang pinagtatawanan at kinakantiyawan ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng “Roar” at makikita rin na pinagtatawanan nila ito na may kasamang mockery. Panoorin ang naturang bidyo. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment