Monday, November 7, 2022

Darna Hindi Nababantayan ng Maayos, mga Mali sa Editing Pinagtatawanan sa Socmed

Views
Larawan mula sa YT ng ABS-CBN

Simula noong inanunsyo ng ABS CBN na magkakaroon ulit ng Darna taong 2011, dahil nakuha nila ang adaptation rights nito previously from GMA seven, maraming netizens ang na-excite sa balitang ito, knowing that galing ito sa ABS-CBN, ay talagang maraming nag-expect na magiging patok ito sa takilya.

Mataas kasi ang expectations ng mga netizens sa ABS-CBN, lalo na”t under ito sa Star Cinema, ibig sabihin ay plano talaga nila sa una pa ay gawin itong pelikula, kaya naman mga mahuhusay at sikat na artista ang pinagpipilian kung sino ang gaganap bilang Darna.

Pero dahil sa naging Darna na rin si Angel Locsin sa GMA network ay siya ang napili ng ABS-CBN upang gampanan ang movie version ng Darna, at dahil sa big budget ang ilalaan dito ng Kapamilya network ay talaga namang pinaghandaan ito ni Angel Locsin.

Larawan mula sa GMA Network

Larawan mula sa GMA Network


Pero inabot ng sampung taon ang project na ito dahil sa naging paiba-iba ang casts nito at script writers. Matatandaang sa sobrang paghahanda, at pag-iinsayo ni Angel Locsin sa pelikulang ito, ay  nagkaroon siya ng spinal injury, at ito rin ang dahilan kung bakit napalitang palitan ni Liza Soberano si Angel bilang Darna.

Kaya naman, panibagong oras naman ang nilaan ng Kapamilya Network sa pelikulang Darna dahil sa kinakailangan din mag-insayo ni Liza Soberano, dahil hindi gaya ni Angel Locsin na marunong na sa action at mga stunt, dahil na rin nahasa na siya sa pagiging Darna sa GMA network. Si Liza naman ay hindi sanay sa pagiging action star. 

Kaya naman mahaba-habang oras ang nilaan ng Kapamilya network upan mahasa sa action at stunt si Liza Soberano, upang ma-reach niya ang high expectations ng mga tao, dahil na rin sa galing ni Angel Locsin, kailangan talaga umabot sa level ni Angel ang gagawing mga stunt o action ni Liza Soberano. Otherwise magiging underwhelmed ang mga manonood.

Pero sa kasamaang palad, nasayang ulit ang oras na nilaan ng Kapamilya Network sa pagti-train kay Liza Soberano, dahil tulad ni Angel Locsin, nagkaroon din ng injury sa finger si Liza, dahilan upang hindi na niya kaya pang gampanan ang mga stunt ng isang Darna sa pelikula.

Liza Soberano

Liza Soberano

Matatandaang umiyak noon si Liza Soberano, nang sabihin niya sa kanyang interview na, hindi na niya magagampanan ang pagiging Darna, kaya naman, maraming nalungkot sa balitang ito, at ipinakita rin ni Liza ang kanyang injury sa daliri, na sa ibang bansa pa niya naipagamot.

Lumipas ang ilan pang taon, nagpa-audition muli ang Kapamilya network, upang ipagpatuloy ang pelikulang Darna na sobrang na postponed dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa dami ng nag-audition, mapalad na napili si Jane De Leon upang gumanap ng Darna. Ngunit hindi maitatangging bad timing ang pag lipad ni Darna. Hindi na kasi natuloy ang big budget sana na pelikula at imbes na pelikula ang Darna, under star cinema, ay naging teleserye na lang ito.

Jane de Leon 

Jane de Leon 


Dahil na rin sa kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network, mukhang hindi ata pinalad si Jane De Leon sa kanyang unang paglipad bilang Darna. Dahil wala na ngang prangkisa ang Kapamilya network. Hindi na rin kasi naipapalabas sa malaking TV station ang Darna, kundi sa Youtube na lang.

Kaya naman, napapansin ng mga netizens na parang sa una lang maganda ang Darna, at habang tumatagal ay napapansin na ng mga netizens, na nagmistulang sitcom na ang setup ng Darna, at habang tumatagal din ay nababawasan na ang views nito sa kanilang Youtube channel.



Jane de Leon 

Kung iisipin mo kasi, malaking luge sa ABS-CBN ang Darna, dahil sa Youtube lang ito kumikita, masmalaki pa ang naibabayad nila sa talent fee ng mga artista, kaysa sa kinikita nila sa Youtube. Dahil mostly ng views nila ay nasa 1-2M lang ang views, kung tutuosin ay masmarami pa ang views ng mga sikat na vloggers tulad ni Ivana kaysa sa views ng Darna.

Mukhang hindi na rin nababantayan ng maayos ang editing ng Darna at palaging viral sa internet ang mga mistakes ng editing nito, pinagtatawanan na kasi sa internet ang mga maling production ng Darna, at palaging sinasabi ng mga netizens na, ito na yung ten years na pinag handaan? Panoorin lamang ang bidyo para sa karagdagang detalye. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment