Sunday, January 31, 2021

Heart at KC Nanawagang Papaano Matulungan ang Isang Amang Nag-viral na Nawalan ng Trabaho

Views

Photo: Heart and KC IG

 Talagang masakit mang isipin pero dahil sa pandemya ay napakaraming Pilipino ang nawalan ng trabaho kaya naman para sa isang responsableng padre de pamilya na nawalan ng trabaho ay napakahirap ng pinagdadaanan lalung-lalo na yong nakikipagsapalaran dito sa Manila para lang makapag-trabaho at matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. 

Photo: KC Concepcion IG

Photo: Heart Evangelista IG

Viral kasi ang larawan ng isang ama na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na nai-post ng Phil. Star na nakarating naman at umagaw ng atensyon sa dalawang aktres na sina Heart Evangelista at KC Concepcion. 

Isang lalake na nawalan ng trabaho na umantig sa puso ng dalawang aktres dahil sa nakasulat sa card board na talaga namang nakaka-touch kaya naman pati si Heart at KC ay humingi ng tulong sa kanilang mga fans at followers paano makita o ma-contact ang isang lalake na nasa larawan para matulungan. 

Sa pamamagitan ng kanilang IG-story at Twitter doon nila ipinahayag kung papaano ma-contact ang isang amang nawalan ng trabaho. 

Photo: KC Concepcion IG

Photo: Heart Evangelista Twitter



Siya na nga ba ang Maswerteng Boyfriend ng Anak ni Richard Gomez at Lucy Torres

Views

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG/Juliana Gomez IG

  Naging bonga ng pagiging mag-asawa nina Richard Gomez at Lucy Torres ay si Juliana Gomez at nag-iisang unica hija o tanging anak nilang mag-asawa. 

Ipinanganak noong September 8, 2000 si Juliana at ngayo’y 20 years old na siya at nasa tamang edad na para magkaroon ng boyfriend. 

Photo: Juliana Gomez IG

Bagamat nasa tamang edad na siya ay wala naman siyang naipo-post na boyfriend sa kanyang mga social media accounts kaya naman hindi ito napag-iisipan ng mga netizens na may jowa na siya.

Hindi lang dahil sa wala siyang ipinapakita na kasintahan sa mga IG-post niya kundi dahil din sa naiisip ng mga netizens na anak siya nina Richard Gomez at Lucy Torres kaya mataas ang standards ng pamilya nila. 

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG

Pero nagulat na lamang ang mga netizens na isang athlete ang nag-post ng larawan na kung saan kasama nito si Juliana sa isang sweet post na kadalasan gawain ng magjowa at nag-comment din si Juliana na may heart emoji. Bagamat hindi ito confirmed malakas ang radar ng mga netizens na jowa ito ni Juliana Gomez. 

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG

Photo: Miggy Bonnevie-Bautista IG


Friday, January 29, 2021

Why Jillian Ward is One of the Most Influential Teen Star in the Country

Views

Photo: Jillian Ward with Trudis Liit Poster

 Maganda, matalino, seksi, singer, model, curvy, long legged, magaling umarte, the next Marian at the next Marimar. Ang mga yan ay ilang tawag ngayon kay Jillian Ward na isa ngayon sa pinaka-influential na teen actress from Kapuso network. 

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG


Jhyllianne "Jillian" Wardë O maskilala nating bilang Trudis liit at screen name na Jillian Ward ay ipinanganak noong February 23, 2005 (15) siya ay isang teen actress, commercial model, singer at vlogger na nakilala at sumikat nang gampanan niya ang Trudis Liit dahil na rin sa husay niyang mag-act, at kasalukuyang ginagampanan ang role bilang si Donna Marie "Mayi" Madreal/Claveria in the afternoon drama Prima Donnas ng Kapuso network. 

Ipinanganak si Jillian Ward sa Maynila at ang una niyang naging commercial ay ang gatas na Promil bago siya naging Trudis Liit at ginampanan din niya si Daldanika sa “The Last prince.”

Photo: Jillian Ward with Trudis Liit Poster

Photo: Jillian Ward with Trudis Liit Poster


Hindi lang sa pagiging artista ang pinagkakaabalahan ng teen actress kundi pagiging young businesswoman niya dahil noong November 2019 ay nagbukas siya ng sarili niyang brand ng milktea ang Wonder Tea Phil. Na nagbukas ang 1st branch sa Floridablanca na nasundan din sa Guagua at Porac Pampanga. 

Photo: Jillian Ward IG


Matatandaang noong August 23, 2020 ay sinimulan ni Jillian ang kanyang first channel na ang unang upload ay ang “My second House’ Construction” na may 3-storey na matatagpuan sa Pampanga. 

Hindi lang sa pagiging artista at business successful si Jillian Ward pati na rin sa mga official social media pages niya. Kasalukuyan ay may 8.5 million followers siya sa Facebook, 3.6 million followers sa Tiktok, 3M followers sa IG at  229k subs. sa Youtube. Almost 16 million ang kabuuan ng kanyang followers sa kanyang mga social accounts. Hindi siya masyado active gumawa ng vlogs dahil palagi siyang busy sa kanyang pagiging artista at taping kaya naman hindi araw araw nakakagawa ng vlogs kaya naman nasa 229k pa lang ang kanyang subscribers sa Youtube. 

Photo: Jillian Ward TT

Photo: Jillian Ward FB

Photo: Jillian Ward YT

Photo: Jillian Ward IG


Dahil sa sobrang active ng kanyang fans sa Facebook masasabi nating napakaswerte ng mga products na kanyang iniindorso kaya naman mapapansing sunud-sunod ang kanyang mga iniindorsong products hudyat na isa siya sa mga pinaka-influential na teen star sa bansa. 

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG


Alam niyo ba na isa rin siya sa mga nagpasikat ng jersey football shirts na “Fly Emirates”, “Rakuten” at “Jeep” na talaga namang kabi-kabilang pinoy lalo na sa mga kabataan ang sumusuot nito. 

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG


Hinding-hindi maitatanggi na napaka-influential na ngayon ni Jillian Ward kahit sa mga shirts ay kaya niya magpa-uso. 

CCTV Footage ng Triplets na Toddlers Viral Dahil may Kinakausap Sila na Hindi Nakikita

Views

Video: @555mph.a.triplet.story Tiktok

 Alam naman natin na may mga bagay na mahirap ipaliwanag lalo na ang mga bagay na hindi nakikita at napagsisimulan ng pagtatalo ng mga netizens ‘pag ito’y naipo-post sa mga social media platforms kagaya ng Facebook, Twitter at Tiktok. 

Isa kasing bidyo ngayon ang may 11 million views sa Tiktok na kung saan nakikipagtalo ang triplets na toddlers sa isang nilalang na hindi nakikita sa CCTV footage na naka-isntall sa kanilang room. Nakakapanindig balahibo na para bang nangyayari sa pelikula na horror ang pangyayari na ito dahil sa may kinakausap ang triplets sa wall na kung saan nakaharap sila na para bang may nilalang na nakikipag-usap sa kanila. 

Video: @555mph.a.triplet.story Tiktok

Video: @555mph.a.triplet.story Tiktok


Sabi pa ng mga triplets ay “I’m mad at you!” at lahat sila ay nakaharap sa iisang spot ng room at sabi pa ng triplets “You like our beds? No!” “You have a problem!” dagdag pa ng triplets “No, no, we don’t like it anymore!” Talaga namang mapapaisip ka sa mga pangyayaring ipinakita ng mga toddlers na

Video: @555mph.a.triplet.story Tiktok

Video: @555mph.a.triplet.story Tiktok


Pero hindi pa rin mawawala ang suggestion ng ibang netizens na baka may ginagaya lang sila sa mga napapanood nila pero mostly sa mga comments ng mga netizens ay talaga raw na may kinakausap sila na hindi nakikita sa CCTV footage. Ikaw ano sa tingin mo ang nangyayari sa triplets? Totoo ba na may kinakausap sila na hindi nakikita o dahilan lang ito ng pagiging wild imagination ng mga toddlers? 





Friday, January 15, 2021

Pinay Girl ang Kantang Ginawa Para kay Jillian Ward Sumisikat na Ngayon

Views

Photo: Jillian Ward

 Kung tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino ang isa sa mga hinahangaan nilang teen star hindi na siguro mawawala ang pangalan ni Jillian Ward na binansagang “The Next Marian Rivera” o “The Next Marimar.”

Ang page din niya sa Facebook ay isa sa pinakamabilis lumaki dahil last year lamang niya ito ginawang aktibo pero from 300k likes ngayon ay mayroon ng  7.9m followers o halos 8m followers na nagpapatunay na kung gaano umuusbong ang kanyang pangalan sa napakabilis na panahon.

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG


Dati nang may Page si Jillian Ward na may 2.4m likes pero hindi niya ito hawak mag-isa at may ibang admin ang may hawak kaya naman naisipan ni Jillian Ward na gawing aktibo ang isang page niya na kanyang ginawa noon pa na may 300k likes lamang pero kanya itong napalaki ng maayos at naging verified na rin kaya naman hindi na ito napigilan sa pag-grow. 

Dahil sa biglaang paglaki ng kanyang community sa Facebook at isa sa pinaka-ifluential na teen star sa bansa kabi-kabila na rin opportunity ang lumapit sa kanya, isa na rito ang pagiging product endorser ni Jillian Ward sa katunayan ay napakaswerte ng mga brand na kanyang iniindorso dahil isa si Jillian Ward sa mga pinakahinahangaan ngayon. 

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Photo: Jillian Ward IG

Dahil sa kasikatan ng teen star na si Jillian Ward naging inspirasyon na rin siya ng isang music artist na si Techflow na kung saan kay Jillian Ward ang naging inspirasyon sa sumisikat ngayon na kanta na “Pinay Girl.” 

Sunday, January 3, 2021

Bagong Bahay ni Vice Ganda may mga Gamit na at Kanyang Ibinida

Views
Photo: Vice Ganda YT

Matatandaang nagpagawa ng bagong bahay si Vice Ganda at ito yung property na kung saan kanyang binili para ipatayo ang bahay sana ng kanyang lolo ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito inabutan ng kanyang yumaong lolo kaya naman para hindi ito masayang at mabakanti ay kanya itong ginawan ng sarili niyang dream house.

Nagawan na ito ng vlog ni Vice dati ang house tour at kung anong concept ang gusto niya para sa kanyang dream house at ito ay ang maging minimalistic at mala-metal ang texture ng mga walls kaya naman ang color scheme ng kanyang dream house ay para bang texture ng bakal. 

Ngayong tapos na ang kanyang bahay, minabuti ni Vice na maging minimalistic pa rin ang mga gamit sa loob at dapat match na match pa rin sa kulay ng kanyang bahay, sa sala pa lamang ay napakaganda na ng mga napili niyang materials at gamit may sofa pa ito na nakatayo na talaga namang kakaiba at pwede pa itong paikutin, at sa harapan naman ay may malaking larawan ng isang tulay na nagbibigay effects na para bang tatagos ka sa wall ng sala. 

Photo: Vice Ganda YT
Photo: Vice Ganda YT

Mayron din itong upuan na bilog na pang-accent sa metalish na kulay ng sala para kahit papaano ay may highlights na kulay ang sala na sa ganda nito ay pwede kang mag-pictorial, mayroon ding upuan na parang pot o banga na ‘pag uupo ka ay pwede kang paikutin na para bang ika’y matutumba ngunit naka-design ito na hindi ka talaga matutumba kahit paikut-ikutin ka. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Agaw-pansin naman ang isang napakalaking kabayo na lamp ni Vice na kung iisipin mo ay ang kabayo na ito ay para bagang sign na minsan naging pangkutya ito kay Vice pero kahit ganun pa man ay naging successful pa rin siya at ngayon ay ginawa pa niya itong design sa kanyang sala. Mala-mall din ang kanyang aircon dahil centralized ito na talaga namang hindi mo makikita sa mga pangkaraniwang bahay.

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Nabanggit na rin ni Vice dati na tumatanda na rin ang kanyang ina kaya naman nagpalagay na rin siya ng sarili niyang elevator na talaga namang ang sosyal dahil akala mo malaki itong microwave dahil may hawakan ito na para bang hawakan ng ref sa may door ng elevator, pero sabi ni Vice ay dahil pwedeng maglagay ng finger print dito kaya yung naka-register lamang na finger print ang pwedeng magpaandar ng elevator. 

Photo: Vice Ganda YT

Sa bandang gitna ng kanyang vlog ay ipinakita niya ang kanyang theater room na kung saan may napakalaking screen, matatandaang hilig ni Vice ang TV kaya naman hindi niya tinipid ang sarili niya sa TV at mas-high tech pa ang kanyang kinuha dahil latest projector ang gamit niya na hindi tulad sa mga lumang projector na nasa likod ang projector, ang mga makabagong projectors ngayon na gaya kay Vice ay nasa harapan na mismo na kung saan katabi lang ito ng screen na white board. 

Hindi rin tinipid ni Vice ang kanyang sound system sa kanyang theater room dahil naka-Dolby Atmos o surround system pa ito, at mayron ding malaking mesa sa theater room ani Vice ay pag may usapin lalo na sa related sa kanyang mga projects ay pwede dito magusap-usap o pang brainstorm area nila.

Nakalagay din sa loob ng theater room ang mga awards ni Vice na sa sobrang dami nito ay hindi pa rin nagkasya sa lagayan pero promise naman ni Vice sa mga nagbigay sa kanya ng awards ay hahanapan niya ng paraan para ma-display lahat ng kanyang awards. Nilagyan na rin ng pandikit ang mga awards ni Vice dahil nakapaloob ito sa theater room na sadyang malakas ang bass kaya minsan ay nahulog at nabasag ang isa sa kanyang awards, kaya naman hindi na ito nagdalawang isip at agad ipinadikit ang kanyang awards sa kung saan ito nakatayo para hindi na magalaw at mahulog pa. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

12-seater table naman ang napakalaking dining room ni Vice na may dalawang unique na ilaw na para bang panakip ng ulam sabi ng mga bffs ni Vice, talaga naman winner ang napakalaking glass table ng dining room ni Vice at sa katunayan ay hindi pa raw official ang mga nakalagay na upuan doon dahil hindi pa dumarating ang kanyang inorder na upuan para sa kanyang dining table.

May apat namang malalaking glass panel na walls sa harap ng dining room na matatanaw din ang swimming pool ni Vice na glass din na para bang napakalaking aquarium at may dumbwaiter din ito na nagsisilbing tagahatid ng food sa taas, diba sosyal parang may sariling elevator ang pagkain ni Vice. 

Ang clean kitchen naman ni Vice ay sadyang napakalaki, kung ang clean kitchen ng ibang bahay ay katabi lamang ng dining area, ang kusina ni Vice ay may sariling room at sa laki nito ay para bang kusina ng isang restaurant. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

 
Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

 Sa last part ng kanyang part 1 ng kanyang vlog tungkol sa mga gamit ng kanyang dream house ay ibinida ni Vice ang kanyang pool na parang napakalaking aquarium at sabi pa ni Vice ay napakaganda raw nito lalo na sa gabi dahil may mga ilaw ito sa ilalim na nagbabagu-bago ng kulay. Mayron ding sariling bar na para daw ito sa kanyang kaibigan na mahilig uminom. Dito nagtapos ang unang bahagi ng kanyang house tour na kung saan ipinakita niya ang kagamitan ng kanyang bagong bahay. Abangan natin ang part 2. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Ating panoorin ang house tour ni Vice: