Thursday, August 4, 2022

Palitan ng Pangalan at Dayaan sa Bb. Pilipinas Isiniwalat ni Laurrie Mendoza!

Views


 Talaga namang maraming nagtaka kung bakit natagalan ang pag-annouce ng mga host na sina Ms. Universe 2018 Catriona Gray at former 2016 Bb. Pilipinas 2016 Grand International na si Nicole Cordoves, kaya naman naging sentro ito ng usapin kung ano nga ba talaga ang nangyari kung bakit natagalan ang pag-announce ng mga host ng winner. 

Base sa mga kumakalat na mga bidyo at post sa social media ay tila may nangyayaring katiwalian sa pag-announce ng winner dahil bakas sa mukha ng mga host ang pagkalito at dahil na rin sa sobrang natagalan ang pag-announce ng Bb. Pilipinas International 2022. 

Bb. Iloilo Laurrie Mendoza

Nagtataka rin si Vice Ganda na isang beauty pageant enthusiast dahil sa tagal bago ianunsyo ang resulta ng Bb. Pilipinas International 2022. Sabi kasi ni Vice sa kanyang tweet "May very wrong", "Anu kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa'y walang nagkapalit ng korona! Oh well eklip na ako, congrats girls!"

Larawan mula sa PEP

Sa gitna ng mga haka-haka at mga controversial na mga post sa social media nakadagdag pa ang isiniwalat ni Ms. Iloilo na si Ms. Laurrie Mendoza, at tanong naman ng mga netizens kay Laurrie dahil tila nagmamarites naman siya pagkatapos ng grand coronation ng Bb. Pilipinas 2022. Para malaman ang lahat ng buong detalye sa kaganapang ito, panoorin lamang ang bidyo. 

Monday, August 1, 2022

Vice Ganda Pinatamaan ni Cristy Fermin Nang Patamaan ni Vice si Bayani Agbayani

Views
Vice left, Cristy Fermin center, Bayani right

Dahil sa palaging pagiging OT ng It’s Showtime sa kanilang time slot, tuluyan na ngang tinangalan ng TV-5 ang Its Shotime ng time slot kaya naman hindi na ito mapapanood pa sa TV-5, ang numero unong rason daw kung bakit palagi ito nag o-overtime ay ang palaging late ang mga host nito lalo na si Vice Ganda na kahit noong sa Channel 2 pa raw ay madalas ng late. 

Dahil sa pagiging overtime ng programa ay nagiging rason ito na nauubusan ng oras ang kasunond na programa na LOL nila Bayani Agbayani. Hindi naman makatarungan ang nangyayari kahit pa sikat ang It’s Showtime lalo na ang mga host nito gaya ni Vice Ganda ay sinasanay na nila ang show nila na palaging nag-o-overtime, sabi ng ilang netizens. 

Kaya naman nagkaroon ng parinigan ang dalawang noontime show, nagkaroon kasi ng parinigan si Vice Ganda at Bayani Agbayani at may kanya-kanya silang rason sa parinigan, ang rason ni Bayani ay dahil sa pagiging plaging OT ng It’s Showtime kaya sila nauubusan ng oras sa LOL at parinig pa ni Bayani sa kanyang dasal ay wag daw sila hayaang maging hambog. 

Parinig naman ni Vice ay nakikisawsaw itong si Bayani gayung di naman sila close at dahil sa parinigan na ito ay lumala ang isyu sa pagitan ng dalawang kampo, nararapat lamang kasi na maging professional ang mga host at hindi dapat sanayin ang sarili na palaging late sabi ng ilang netizens na kung saan patama kay Vice. 

Nagkaroon naman ng kakampi si Bayani Agbayani dahil sa hindi pinalampas ni Cristy Fermin ang mga parinig ni Vice kay Bayani, matatandaang mainit talaga ang ulo ni Cristy Fermin kay Vice kaya naman pinatamaan ito na wag maging hambog at hindi raw masaya itong si Vice kahit may Ion siya dahil kung masaya raw ang isang tao, hindi niya hahayaang magkaroon pa ng oras para mangibabaw ang mga negative na pag-iisip dahil nasasapawan dapat ito ng kaligayan dulot ng masaya ka sa buhay mo. Narito ang buong detalye panoorin. 


Wednesday, July 20, 2022

Detalye sa Biglaang Paghihirap ng Batikang Aktor na si Pen Medina, Alamin ang Totoong Kalagayan Niya Ngayon

Views

Larawan mula kay Ping Medina

 May mga pangyayaring hindi mo inaasahan at nangyayari ito sa lahat, mya mga taong akala mo ang healthy ay biglaan na lang nagkakasakit, iyong malakas noon pero mababalitaan mo na lang na nasa ospital na ngayon at nangangailangan ng tulong. 

Ang katotohanan ay nangyayari ito sa lahat, hindi lang sa mga karaniwang tao pati na rin sa mga kilalang tao gaya ng mga artista. Kapag madalas kang makita sa TV o kapag alam ng mga tao na artista ka, unang papasok sa mga isip nila ay mayaman ito at may kakayahan, parang palaging happy life lang walang problema. 


Larawan mula sa PH Trending News

Larawan mula sa FB ni Ping Medina


Pero lahat ng tao may kanya-kanyang hinaharap na problema, mayaman man o mahirap, iba’t ibang level ang ang mga problema nito, mga kilala mo akala mong mayaman ay iyon pala ay nagpapanggap lamang, mga kilala mong super yaman ay mababalitaan mo na lang na naghirap nang biglaan, dahil ang totoo ay lahat nakakaranas ng pagsubok sa buhay. 

Ang totoong yaman na kaya mong maipagmayabang sa kahit sino man ay ang pagiging malusog at malakas na pangangatawan, maraming mayaman diyan na mayaman lang sa pera at mga ari-arian pero may malalang sakit na pilit mapagaling pero may mga sakit talaga na kahit pera ay di kayang pagalingin. 

Isang anak ng batikang aktor ngayon ang nananawagan para sa tulong upang mapagaling ang kanyang ama na si Pen Medina na talaga namang ikinagulat ng netizens nang i-post ang kanyang kalagayan ng kanyang anak na si Ping Medina sa socmed na kung saan nanawagan ito upang matulungan sila sa financial para ma-operahan ang kanyang tatay na may sakin sa spine kaya naman baldado na ang batikang aktor. 

Hindi na ito makatayo o maka-upo man lang dahil sa kanyang spine na kailangan na ring maoperahan ito’y ayon sa post ng kanyang anak na si Ping Medina sa socmend at ipinakita ang kalagayan ng kanyang ama na nakahiga na lang at di na makatayo. Narito ang buong detalye sa nangyayari ngayon kay Pen Medina, panoorin ang naturang bidyo. 

Sunday, July 17, 2022

Zeinab Harake Isinalang ni Bea Alonzo sa Legit Lie Detector Test Mga Hard Questions Sinagot

Views

Larawan mula sa YT channel ni Bea Alonzo

 Nito lang nang ilabas ni Bea Alonzo ang talaga namang inaabangan na sa kanyang vlog na kung saan isinasalang niya sa legit Lie Detector Test ang kanyang mga nagiging ka-collab sa kanyang vlog, naging mabentang mabenta naman sa mga netizens ang bago niyang serye na Lie Detector Challenge. 

Nauna ng isabak ni Bea Alonzo ang kanyang sarili sa Lie Detector Challenge na ito at dahil pumatok ito sa kanyang mga subscribers at mga fans at sinundan ito ng ilan pang mga sikat ngayon na artista gaya ni Francine Diaz, Barbie Forteza at ang controversial ngayon na sikat na vlogger sa bansa na si Zeinab Harake dahil sa nangyayari sa kanyang love life. 

Larawan mula sa YT channel ni Bea Alonzo

Sa bagong episode na ito, malalaman lahat ang mga gustong malaman ng mga netizens tungkol kay Zeinab Harake at lalo na ang kanyang love life kaya naman sa episode na ito ay wala na talagang kawala si Zeinad Harake kundi sagutin ang mga maaanghang na tanong ni Bea Alonzo na kung saan gusto ring malaman ng mga netizens. 

Nagsimula ang mga tanong ni Bea sa mga tanong na pang warm up pa lamang, mga tanong na mga common lamang at madaling sagutin, sa umpisa ng bidyo ay na topic nila ang tungkol sa mga lalaking niloko sila kaya naman relate na relate ang dalawa sa usaping relationship o love life dahil alam naman din ng karamihan ang mga pinagdaanan ni Bea Alonzo sa kanyang love life kaya naman nagkakasundo ang dalawa pagdating dito. 

Larawan mula sa YT channel ni Bea Alonzo

Larawan mula sa YT channel ni Bea Alonzo

Hnggang saan kaya, kaya ni Zienab magpakatotoo at magpaka-honest sa mga inihandang tanong ni Bea? Kaya ba niyang sagutin ang mga ito lalo na’t patungkol ang mga ito sa love life, paano kaya kung tanunging mahal pa niya sa Skusta o may pag-asa pa ba silang magkabalikan, ano kaya ang isasagot ni Zeinab dito knowing na hindi siya pwedeng magsinungaling, aamin din ba siya kung may bago na siyang boyfriend ngayon o may mga manliligaw na? Panoorin ang nakakatuwang vlog na ito ni Bea Alonzo. 


Tuesday, July 12, 2022

Ganito pala Kayaman at Kapogi ang Napapabalitaang Boyfriend ni Zeinab Harake na si Hans

Views

Larawan mula sa IG ni Hans Alcanzare

 

Buwan na rin ang nakakalipas nang malagay ulit sa spotlight ang sikat na vloggr na si Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee, dahil sa mga isyung kinasangkutan ni Skusta Clee na kung saan nagresulta ng tuluyang pagkawala ng relasyon nilang mag-partner at ang pagkawala ng binubuo nilang pamilya.

Ang sana road to forever na relasyon ay nawala dahil sa hindi kayang magbago ng partner ni Zeinab Harake na si Skusta Clee, patuloy pa rin kaso ito nali-link sa iba’t ibang babae kagaya nang ginagawa niya dati na kung saan dahil doon ay nagkahiwalay din sila, at pagkalipas ng ilang buwan ay nagkabalikan ulit.

Hindi na bago sa mga netizens ang ganitong isyu, dahil naka-ilang beses na niloko ni Skusta Clee si Zienab pero ang last chance na binigay ni Zeinab ay huling beses na dahil lang ito sa magkakaroon na sila ng baby at kaya naman namamag-asa pa si Zeinab na sa bago nilang mabubuong pamilya ay baka sakaling magbago na nang tuluyan si Skusta Clee.


Larawan mula sa IG ni Hans Alcanzare


Pero imbes na damayan si Zeinab dahil sa nakunan ito sa pangalawang baby sana nila ni Skusta Clee ay mas-inatupag pa mang babae kaya naman kahit noon sa mga araw na nawalan ng baby si Zeinab ay simula noon ay never na niyang binanggit ang pangalan ni Skusta at pati mga larawan nila sa kanyang IG ay burado na rin.

Pero sa pagkakataon na ito na kung saan iniwan na nga ni Skusta Cless si Zeinab ay tila parang hindi na apektado si Zeinab at sa katunayan ay binabara pa nito si Skusta sa tuwing nagpapapansin gaya na lamang noong father’s day na kung saan nami-miss daw ni Skusta ang anak nila ni Zeinab ay nag-komento pa si Zeinab na kung saan pinalitan ng mukha nung kinakasama ngayon ni Skusta sa mukha ng anak nila ni Zeinab na kung saan karga ito ni Skusta.

Larawan mula sa IG ni Hans Alcanzare

Larawan mula sa IG ni Hans Alcanzare

Dahil sa wala na ngang apekto kay Zeinab ang nangyayari at sa pag iwan sa kanya ni Skusta ay may viral naman na bidyo at mga karawan isang lalaki ang nali-link ngayon kay Zeinab at hula ng mga netizens ay ito na raw ang kanyang bagong boyfriend.

Sa pagkakataong ito ay talaga namang pogi at disente ang napapabalitang boyfriend ni Zienab at may maganda pang pangangatawan, sino ba itong si Hans Alcanzare at gaano ba siya kayaman, panoorin ang naturang bidyo para sa buong detalye ng pagkatao ng bagong boyfriend ni Zeinab.

Saturday, July 9, 2022

Pokwang at ang Kanyang Foreigner na Partner Hiwalay na Tanong Anong Dahilan

Views

 

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Sa buhay isa sa pinaka-highlight na mararanasan natin ay ang mga karanasan na kung saan nagkaroon tayo ng karelasyon, dahil dito mo mararanasan ang matinding saya at matinding lungkot, wala namang love life na perfect dahil ang tamis ng pag-ibig ay nararanasan sa tuwing nagkakaayos kayo pagkatapos ng pag-aaway o pagtatalo. 

Marami ring mga magkarelasyon na akala natin ay mapupunta na sa kasalan kaya naman minsan sa sobrang tiwala natin na siya na nga ang forever ay kadalasan nagkakaroon na kayo ng anak ng partner mo at nagkakaroon na rin ng mga plano sa buhay at lalo na ang plano sa kasal. 

Pero ang relasyon pala na akala mo pang-forever na ay hindi mo pala aakalaing magtatapos din, halos pinagdaanan niyo na ang lahat, mga hirap, sakripisyo at kung ano ano pa, pero sadya talagang may mga relasyon na hindi nag-wo-work. 

Ganito rin ang nangyari kay Pokwang na ngayon ay ikinagulat ng netizens na hiwalay na pala sila ng kanyang partner na si Lee O’Brien, matagal na pala silang hiwalay ayon sa matalik na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz na naging topic nila ito sa kanyang YT channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Larawan mula sa IG ni Pokwang


Ayon kay Ogie Diaz since 2021 pa sila hiwalay at ayaw lang ipaalam ni Pokwang na hiwalay na sila, pero ngayon kalat naman na ay naging topic na rin ito ni Ogie. Marami namang netizens ang nagtatanong kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Ayon kay Ogie mismo siya ay walang maisagot kung bakit ang sinabi na lang sa kanya ni Pokwang ay mutual ang paghihiwalay at napagkasunduan at walang galit sa isa’t isa, kaya naman nag-co-coparenting sila ngayon sa anak nila although hindi na nakatira sa Lee sa bahay ni Pokwang at nalalapit na rin ang kanyang pag-uwi sa America. Narito ang buong detalye ng showbiz update na ito, panoorin ang bidyo. 

Friday, July 8, 2022

Mga Marites Naisahan ni Sen Bato dela Rosa 14k na Relo Niya Sinabi 360M

Views

Larawan mula kay Sen Bato dela Rosa

 

Talaga namang malilikot na ngayon ang mga mata ng mga netizens, nagiging viral kasi ngayon ang mga suot ng mga pulitiko na mga relo dahil sa hinuhulaan nila ang brand at presyo nito, dahil bilang isang lalaki na politician ay ang pangkaraniwang binibili mong mamahaling gamit bukod sa sasakyan ay ang relo.

Nauna na riyan mag-viral ang suot ni PBBM na relo sa kanyang inauguration speech na kung saan nag-viral at naging usapin din dahil napakamahal daw nito, at ang ilan ay minasama ang pagsusuot ng pangulo ng mamahaling relo at ang iba naman ay wala raw masama dahil mayaman naman daw sila at pangulo siya ng bansa. 

Ang suot na relo ni PBBM ay ang  the Nautilus Chronograph Date Rose Gold 5980R-001 model with a “black-brown, gold applied hour markers with luminescent coating” dial. Other features it has include rose gold color, screw-down crown, Sapphire-crystal case back, water-resistant to 120m, and a height of 12 mm.


It has an alligator strap with rectangular scales in matte dark brown color. Based on the brand’s website, it costs Php 3,875,000.00. (Suggested retail price taxes included. Prices may be subject to alteration at any time and do not constitute a contract.) 

Dahil dito nagkaroon ng idea si Sen. Bato dela Rosa na suotin ang kanyang relo na tig 14k na Sieko na kahawig ng 360M Patek Philippe Tiffany Blue Watch.


Larawan mula kay Sen Bato dela Rosa 

Larawan mula kay Sen Bato dela Rosa

Larawan mula sa FB page ni Senyora

“Sa mga ulol dyan na marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Ha ha ha” Sabi pa ni Sen. Bato

Sabi pa niya sa comment niya sa post ni Senyora: 

“Senyora, yang relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dirs at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing japan na dala dala yan at ibinenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha”


Thursday, July 7, 2022

Channel 2 o AMBS Magbubukas na sa September Manny Villar Pinagkatiwala ang Network kay Kuya Will

Views

Mga larawan mula sa Google

 

Dahil sa pagsasara ng Kapamilya network marami ang naapektohang mga artista at libo-libo nitong mga trabahador, dahil dito maraming mga personalidad ang nagalit sa pangulo at mga trabahador na nawalan ng trabaho.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay unti-unti nang nakaka-move on ang mga tao at sa katunayan kahit mga pangkaraniwang pilipino ay nasasanay na rin na ang dating pinakamalaking network sa bansa ay tuluyan nang nag-sara. 

Larawan mula sa Google

Kahit mga artista ng Kapamilya network ay isa-isa na ring nagsilipatan, yung iba gumagawa ng sariling diskarte upang hindi malaos ang iba naman ay nanatiling loyal sa network at namamag-asang makakabalik pa ito. 

Pero mukhang mahihirapan na ata makabalik pa ang dati’y tila hindi matitibag na network dahil ang kanilang frequency na channel 2 ay naibenta na rin sa business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Pero ngayon tila may maganda balita sa lahat, lalo na ang mga artistang nawalan ng trabaho at ang mga trabahador dati ng Kapamilya network dahil napapabalitang magbubukas na ang AMBS channel 2 o Advanced Media Broadcasting System sa darating na September. 

Larawan mula sa IG ni Manny Villar

Larawan mula sa IG ni Kuya Will


Ipinagkatiwala rin ni Manny Villar ang lahat kay Willie Revillame dahil siya ang naatasang mag-isip na mga progarama sa nasabing upcoming TV network, kaya naman excited na ang lahat sa kakalabasan ng muling pagbubukas ng channel 2 pero hindi ang dating channel 2 na nakasanayan ng mga pilipino kundi bagong TV network na ito. Narito ang ilang detalye sa pagbubukas ng AMBS. 


Tuesday, July 5, 2022

Lolit Solis Sinabing Bilib sa Utak ni Ella Cruz Dahil Walang Kwentang Starlet Pero Pinag-uusapan Ngayon

Views

Minsan may mga nasasabi tayong akala natin ay noramal lamang na statement o normal lamang na katagang lumalabas sa mga bibig natin pero yung binitawan nating salita ay big impact pala sa mga nakakarami lalo na kung isa kang artista, dapat bawat sinasabi natin ay pinag-iisipan muna natin ng mabuti. 

Gaya na lang ng sinabi ni Ella Cruz patungkol sa sa history na inihambing sa tsismis, para kay Ella ay ganun ang pananaw niya at alam naman niya na para sa iba hindi ganun ang pananaw nila pero para kay Ella at ganun ang tingin niya sa history, maybe dahil inihambing niya ito sa ginawa nilang pelikula na kung saan para sa nakakarami ay totoong nangyaring history ngunit namanipula. 

Ella Cruz via Phil. Star

Hindi natin alam kung sinadya ito ni Ella sabihin para mapag-usapan siya dahil isa siyang artista at may upcoming movie kaya naman possible na isa itong public stunt dahil kung ganun ang talino niya sa part na iyon dahil in an instant ay pinag-usapan siya at viral na viral pa sa social media. 

Kaya naman pati si Lolit Solis ay may sinabi sa kanya patungkol sa sinabi ni Ella Cruz bagamat masakit ang sinabi ni Lolita dahil sinabihan siyang “walang ka kwenta-kwentang starlet” pero ang galing daw niya sa part na sinabi niya yung statement dahil ng biglang nag-viral siya, bilib daw umano si Lolit Solis sa utak ni Ella Cruz. 


Pumasa ng 13-prestigious Universities ang Anak ng Isang Magsasaka at Makakatanggap pa ng 11-M

Views
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Isang graduating Senior High School Student ang hinahangaan ngayon ng mga netizens, dahil sa kanyang talino, naipasa kasi ni Benjamin Arches Baui ang hindi lang isa o dalawang universities kundi nasa 13 universities ang naipasa niya bilang isang schoolar.

Nakakabilib na ang pito sa mga napasahan niyang universities ay mga pawang prestihiyosong International Universities at ang anim naman ay mga sikat at kilalang school sa bansa kaya naman sinong netizens ang hindi hahanga sa kanya. 

Isa pang usap-usapan ngayon sa mga nakabalita sa social media tungkol sa estudyanteng ito ay ang tumataginting na 11M na iniaalok sa kanyang bilang scholarship award na kanyang matatanggap.

Ang masnakakaantig pa sa puso ay isa lamang siyang anak ng magsasaka na kung saan nagsikap at nag-aral ng mabuti para masuklian at maihaon sa hirap ang kanyang pamilya.  Si Benjamin ay taga Tubong Sto. Tomas, Isabela at ang kanyang hiling sana na kurso ay ang Architecture sa napupusuang unibesidad na papasukan sa Ohio, USA. 

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

“Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University. Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course…. Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million,” 

Labas sa mukha ni Benjamin ang tuwa at sayang nararamdaman dahil aminado naman siya na hindi naging madali sa kanya ang magkaroon ng ganitong achievements. 

“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…” 

“Sa libu-libong mga aplikante na natanggap at nasuri ng Admission’s Committee, ako ay namumukod-tangi. Sobrang puno ng puso ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ilalabas ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon,"

Ikinuwento naman ni Benjamin ang naging daan upang makamtan niya ang ganitong achievements dahil na rin sa isang post sa Facebook na kung saan doon na rin siya humingi ng tulong ang makapag-aral sa abroad. 

Larawan mula kay Benjamin

“Ang makamit ang isang pangarap ay napakagaan sa loob. It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it,” Sabi pa niya. 

“Inaamin ko na magiging mahirap para sa akin ang mga bagay dahil kailangan kong kumita ng sapat na pera upang manatili sa Estados Unidos.” 

Hindi naman naging madamot si Benjamin at nagbigay ng payo para sa kagaya niya na nangangarap din.

“Ang pinaka importante po sa lahat ay maging disiplinado po sa pag-aaral and maging responsable po. And don’t let your anxiety deter you from achieving your dreams,”

“Wag kang mapaghinaan ng loob sa mga bad feedbacks from other people, don’t doubt yourself and you should find strength in yourself to achieve your dream po,”

“Back when I was a child. It was just a dream. It all started with a vision and now I achieved it po,"


Larawan mula kay Benjamin

Gaya ng karamihan kailangan ng sakripisyo upang balang araw ay magbunga ito, handa niyang mawalay muna sa kanyang mga magulang para daan sa masmalaking opportunity at makatulong sa kanyang future at sa kanyang mga magulang. 

Narito ang ilang confirmation sa kanya ng mga International Universities na kung saan naipasa niya. 

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo

Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo