Friday, August 27, 2021

Pagbenta ng Jamill ng Kanilang mga Ari-arian Inulan ng Komento from Netizens

Views

Photo: Jamill IG

Maraming nagulat lalung-lalo na ang mga fans at subscribers ng Jamill nang biglang mawala sa YT ang kanilang YT channel. 

Kaya naman kabi-kabilang balita ang nababasa online kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kanilang YT.

Pero sa dami raming balita an nagsilabasan ang mga iilan lang ang posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan, ayon sa Jamill ay binura talaga nila ito dahil sa magfo-focus na sila sa kanilang private life.

Ayon naman sa karamihan sa mga netizens ay sinasabing dahil ito sa hahabulin sila ng BIR dahil sa bagong pinapatupad na batas na kung saan ang mga vloggers at influencers ay dapat na bagbayad ng buwis kaya naman ayon sa netizens sa takot ng Jamill na habulin sila ng BIR ay minarapat nilang burahin ang kanilang YT channel. 

Pagkatapos naman mabalitaan sa socmed ang pagkabura ng kanilang YT channel sinundan naman ito ng mga post na kung saan pinapakawalan ng ng Jamill an kanilang mga ari-arian kasama na rito ang kanilang magarang sasakyan at mansion kaya naman masalalo itong naging pala-isipan sa mga netizens kung bakit na nila pinapakawalan ang kanilang mga naipundar. 

Photo: Rhona Pineda Nilo FB

Photo: Rhona Pineda Nilo FB

Photo: Rhona Pineda Nilo FB


Ilang netizens na rin ang nagsasabing baka hiwalay na ang dalawa at nagiging tulay lang ang vlog para ipagpatuloy ang kanilang relasyon at ngayon nabura na ay posibleng hati na sila pagkatapos mapakawalan na nila ang kanilang mga naipundar while say naman ng iba ay para wala nang mahabol pa ang BIR.

May netizens naman ang nagsasabing mali ang pagbura nila sa YT nila kung natatakot lang sila sa BIR dahil in the first place ay ipapatupad pa lang ang nasabing batas at ang mga kinita nila dati ay hindi na sakop sa bagong batas dahil sa oras na iyon ay wala pa namang batas na kailangan magbayad sila ng buwis. Ang dapat lang nilang gawin ay magbayad ng buwis sa oras ng pagkatupad nito. Kayo ano masasabi niyo sa nangyayari sa Jamill ngayon?

Monday, August 16, 2021

Madam Inutz Nagsalita na Kung Bakit Umalis Agad sa Star Image Pagkatapos I-review ang Kontrata

Views

Photo: Madam Inutz FB

 

Internet sensation na si Madam Inutz na sumikat dahil sa pagbebenta ng ukay-ukay sa pamamagitan ng live stream sa Facebook, sumikat at palaging viral sa social media si Madam Inutz dahil sa kanyang charisma at pagiging real talk sa live at pagiging parang lasing habang nagtitinda.

Sa katunayan umaabot na ng million views ang kanyang mga live stream sa FB kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ang Star Image na kunin bilang talent si Madam Inutz, agad itong pumayag, ngunit masyadong nagpadalos dalos si Madam kaya naman para sa karamihang netizens lalo na sa mga naaaliw sa kanya ay hindi masaya sa pasya ni Madam Inutz. 

Photo: Madam Inutz FB

Photo: Madam Inutz FB

Photo: Madam Inutz FB


After nag-viral ang post ni Madam about sa pagpasok niya sa Star Image inulan ito ng negative comments kaya naman napagtanto ni Madam na isang malaking pagkakamali ang pagpasok niya sa Star Image. Agad namang humingi ng tulong si Madam Inutz para ma-review ang kontrata kaya naman nang malaman niya na walang expiration ang kontrata niya sa Star Image ay agad itong umalis sa Star Image.  Anyway narito ang full video ng kanyang paliwanag. 


Michelle Madrigal at Asawang si Troy Woolfolk Hiwalay na!

Views

Photo: Michelle and Troy IG

 

Isang nakakalungkot na balita, dating Kapuso star na si Michelle Madrigal at asawang si Troy Woolfolk ay kumpirmadong hiwalay na at ito ay misming naanggaling sa post ni Michelle Madrigal sa kanyang IG. 

Matatandaang pagkatapos iwan ni Michelle Madriigal ang showbiz para ipagpatuloy ang pag-aaral at kalaunan ay napunta sa America para sa kanyang work training ay nakilala niya roon si Troy Woolfolk at naging mag-asawa at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na babae.

Pero nagulat na lang ag mga fans nang biglang ipinost ni Michelle sa kanyang IG na on process na ang kanilang annulment. 

Photo: Michelle Madrigal IG

Photo: Michelle Madrigal IG


Here it is… 

Y’all have been asking us for awhile now…We didn’t have to but we’ve shared our lives with y’all in the past so here we are today. 

@twoolf29 and I have been separated and are going through divorce. Of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika. We only wanted to share this to be transparent due to the amount of DM’s and comments we get from y’all. 

We hope that you guys can give us the space and respect with our decision. We thank everyone for all the love and support you have given The Woolfolk family. We will always have love for each other and cherish the good times rather than the bad ones. ✨

Photo: Michelle Madrigal IG



Tuesday, August 10, 2021

Policewoman sa Benguet Naging Babysitter Habang Namamalengke ang Ina ng Sanggol Viral

Views

 

Photo: Kabayan MPS Facebook

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang isang pulis sa Benguet na kung saan ay tila naging instant babysitter habang namamalengke ang nanay ng sanggol.

Naging-viral online ang pagbabantay ng isang policewoman sa isang sanggol sa Kabayan, Benguet habang namimili ng grocery ang nanay ng sanggol.

Photo: Kabayan MPS Facebook

Base sa balita pansamantalang binantayan muna ni Police Corporal Nimfa Camis ang sanggol upang makapamili ng maayos ang nanay ng bata.

Photo: Kabayan MPS Facebook

Base rin sa kuwento, nagbabantay si Camis sa mga customer ng Tiongsan rolling store nang makita niya ang isang namamalengkeng nanay na bitbit ang kanyang sanggol.

Photo: Kabayan MPS Facebook

Kinausap nga raw ni Camis ang isang babae ng mapansin na may bitbit itong sanggol dahil bawal pa namang lumabas ang mga bata ngunit ipinaliwanag naman ng nanay ang kanilang kalagayan at naintindihan naman daw ito ng pulis.

At kaya naman nagboluntaryo na siyang bantayan muna ang sanggol habang namimili ang nanay ng bata at umani nga ng papuri at magagandang kumento ng netizens ang policewoman.

Monday, August 9, 2021

Pagpunas ni Kris Aquino sa Pawis ni Kuya Will Kinakiligan ng Netizens

Views

Photo: Screenshot from GMA YT

 

Talaga namang pagdating sa mga nali-link kay Kris Aquino ay number 1 na kinakikiligan ng netizens ay si Kuya Will sa katunayan ilang mga bidyo at larawan na rin ang naging usapin na kung saan magkasama sila dahil sa pagbibigay meaning ng mga netizens sa pagkakaibigan nila Kris at Kuya Will. 

Photo: Screenshot from GMA YT

Photo: Screenshot from GMA YT


Hindi naman natin mapipigilan na mag-isip ng nakakakilig ang mga netizens dahil bagay na bagay naman talaga ang dalawa dahil sa age at status na buhay ay talagang si Kuya Will ang pinaka-fit kay Kris Aquino.

At hindi lang dahil lahat sila mayaman kundi pati mga anak ni Kris ay paborito itong si Kuya Will lalo na ang panganay ni Kris na si Josh na talagang gustong gusto si Willie. 

Photo: Screenshot from GMA YT


At nito lang ay may bidyo at mga larawan naman na kinakiligan ng netizens na kung saan guest si Kris bilang host at may mga binitawang kataga si Kris na kinakiligan ng marami sabi pa ni Kris:

"Thank you, Willie. I don't think you just miss me. I think you love me," 

"Bakit mo ko nirereto sa iba? Eh alam naman nating lahat 'di ba? Ikaw ang gusto ng mga anak ko," said Kris. 


Jose Hallorina Muling Binuweltahan si Donnalyn Bartolome Dahil sa Pagkamatay ng Lola ni Donnalyn

Views

Photo: Jose Hallorina YT

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Jose Hallorina at Donnalyn Bartolome dati nang minsang tulungan ni Jose ang lola ni Donnalyn na (kapatid ng lola niya) dahil sa pagiging homeless nito.

Ngunit maraming umalma lalo na si Donnalyn that time dahil sa ang lola raw niya na yon ay matagal na silang walang communication at hindi raw niya alam kung nasan na ito at besides sumama raw ito sa jowa niya kaya naging homeless at to think na hindi naman niya as in totoong lola dahil kapatid lang ito ng lola niya hindi niya responsibilidad kung ano man ang mga pasya nito sa buhay. 

Photo: Jose Hallorina YT

Photo: Jose Hallorina YT

Kaya naman nang nadadawit na ang pangalan ni Donnalyn at nalaman ng netizens ang katotohanan na walang kasalanan si Donnalyn sa mga nagyayari sa mga kamag-anak niya at meron din namang mga anak si Lola Josie na dapat sila ang nag-aalaga ay nanahimik na si Jose Hallorina dahil naba-bash na rin siya dahil sa mga fans ni Donnalyn at napagpasyahan nilang ayusin na lang ang misunderstanding.

Photo: Jose Hallorina YT

Photo: Jose Hallorina YT

Ngunit mayron namang bagong issue ang ibinubuwelta ngayon si Jose Hallorina nang makarating sa kanya at nakita niya mismo na namatay na homeless ulit si lola Josie nang tinurn-over niya ito sa pudar nila Donnalyn kaya naman ngayon ay lalaban si Jose Hallorina sa demand letter ni Donnalyn sa korte.

Saan kaya hahantong ang usaping ito, tuluyan na kayang mapupunta ito sa korte? Sino ba ang nasa tama si Jose ba o si Donnalyn? Kayo na po ang humusga sa inyong mga isip dahil di hamak na mga tagapanood lang tayo. 

Ito naman ang say ng mga netizens:

Miss D has everything na and also she's a multi millionaire and has a 2 sports car but why she can't help nanay na bigyan man lang ng house to shelter and a food to eat and also in her vlog she gave business to those homeless people and also gave 1 million to a fan but can't give  food and shelter sa mismong mama na tawag nya🤦🏻‍♀️ you're getting into my nerve🤣

Photo: Jose Hallorina YT

Truly, this Channel and Sir. Jose has the 'MOST GENEROUS HEART' in the Youtube Industry here in the Philippines, Fear Nothing Sir Jose as We your more or less 2MILLION Subscribers support you, not to mention the Millions of Angels guiding you as you are truly from Heaven above! God is definitely with you Sir! WE ALL LOVE YOU TEAM JOSE, IN ADDITION TO YOUR GENUINE ACT OF KINDNESS FOR THE PEOPLE AND FOR THE NATION!

Photo: Jose Hallorina YT

May nalalaman pa palang syang "REPUTASYON",??? Lam nyang kaunti na lng ang nalalabing panahon ng Lola nya, ay di pa nya magawang mahalin at alagaan ito? Kaswapangan nya kamo,npakadamot nman ng pagmmahal.. Bkit Mas pinahalagahan pa ang mga material na bagay, kesa kay Lola??? 😢,tsktsk.. Mala dyiosa ang ganda pero sa kabila ng lahat, Diosmio!!! tindi sama ng ugali pala.. Now i know.. Rest in Peace po Lola❤️🙏❤️🙏❤️ Daghan kaau salamat Sir Jose.. We love you and we will support you.. God bless❤️❤️❤️

Photo: Jose Hallorina YT

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok




Sunday, August 8, 2021

Mystica Viral sa Tiktok Dahil sa Galing Pala Mag-English Parang Foreigner Magsalita

Views

Photo: Mystica during her inteview in L.A.

 Si Mystica ay isang sikat na singer dati at isa sa kanyang pinasikat na kanta na alam lahat ng mga batang 90’s ay ang Pusong Salawahan na talaga namang sumikat sa Pinas. 

Pero dahil na rin sa magulong buhay sa showbiz ay kalaunan ay unti-unti na rin nawawala ang kanyang kasikatan at dahil na rin sa kagustuhan niyang makabalik showbiz nitong nakaraan ay panay rin ang kanyang pagpapansin at gumagawa ng issue kaya naman akala ng mga netizens ay nawala na siya sa katinuan dahil sa mga pinag gagawa niya. 

Photo: Mystica during her inteview in L.A.

Photo: Mystica during her inteview in L.A.

Photo: Mystica during her inteview in L.A.

Dahil na rin siguro sa hirap ng buhay kaya niya ito nagagawa para mapansin at makabalik sa showbiz na kung titingnan mo ay parang walang katinuan na sa utak.

Pero dalawang bidyo ang kumalat sa Tiktok na kung saan talagang hinangaan siya ng mga netizens at talagang napakatino niya noong kasikatan pa niya malayong malayo sa kung ano sino siya ngayon.

Sa dalawang viral na bidyo na kung saan ini-interview siya ng isang American host na lalaki kapansinpansin ang mga sagot ni Mystica na natural at napakagaling mag-English sa katunayan dahil sa husay niya magsalita ilang netizens ang nagsabing para siyang Nicki Minaj ng Pinas noon.

Ang interview niyang ito ay ginanap sa L.A. USA na kung saan pinu-promote niya ang kanyang US-album.

Mystica was born as Ruby Rose Mauanay Villanueva. She is an actress and director, known for Querido (2014), D' Uragons (2002) and Ang probinsyano (2015). She has been married to Ron Coolong since September 4, 2005.

Ito naman say ng mga netizens na nakapanood ng bidyo:

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok

Photo: Screenshot from Tiktok


Tuesday, August 3, 2021

Lolo Pinapayungan ang mga Apo sa Bundok Para Makagawa ng Module Dahil Don Lang May Signal

Views

 

Photo: Jorge Tejada Facebook

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang larawan maglo-lolo na kung saan pinapayungan ang mga bata n kanilang lolo sa bundok upang makapag aral dahil doon lang may signal.

Naantig ang puso ng netizens matapos makita ang mga larawang ito na ipinost sa social media ng ibat-ibang page at websites.

Photo: Jorge Tejada Facebook

Nag-viral ang larawan na ibinahagi ni Jorge Tejada, isang guro sa Senior High school sa Genitigan, Baras, Catanduanes.

Photo: Jorge Tejada Facebook

Maraming natuwa,naantig at nabilib kay lolo Arnulfo dahil matiyaga niyang pinapayungan ang mga apo sa bundok upang makakuha ng signal para sa makapag-research at masagutan ang kanilang module.

Marami nga ang nagsasabi na walang problema sa int May edad na si lolo at nababahala rin ang mga netizen sa kalagayan ni lolo dahil dapat daw kay lolo ay nagpapahinga na lamang sa bahay.

Photo: Jorge Tejada Facebook

Pero hindi rin mawala ang pagmamahal ni lolo para sa kanyang mga apo. ang mga mag-aaral sa syudad, pero ang mga nasa probinsya ay pahirapan ang paghahanap ng signal.

Si lolo ay ang taga payong sa mga apo upang hindi mainitan at si lolo rin ay nasa tabi lang mga mga bata haban nakaupo at hinihintay na matapos ang mga sa pagsagot ng kanilang module.

Ngunit marami pa rin ang nababahala para kay lolo May edad na si lolo at nababahala rin ang mga netizen sa kalagayan ni lolo at dapat daw umano kay lolo ay nagpapahinga na lamang sa bahay. Ngunit hindi rin maiaalis ang pagmamahal ni lolo para sa kanyang mga apo.






Kisses Delavin Top 1 Winner sa Headshot ng Miss Universe Philippines 2021

Views
Photo: Miss Universe Philippines FB


 Maslalong uminit ang labanan sa Miss Universe Philippines 2021 nang ilabas na ang top 15 headshot challenge sa social media. 

Nangunguna ang Kapuso actress na si Kisses Delavin dahil siya ang nag-top 1 sa naturang challenge kaya naman, nangangahukugan ito na loyal pa rin sa kanya ang kanyang mga fans sa dati niyang network at dahil rin sa angat ang kagandahan nito sa ilang candidates at kilala bilang artista ay hindi maitatangging siya ang nag-top 1. 

Photo: Miss Universe Philippines FB

Photo: Miss Universe Philippines FB


Hindi rin nagpahuli ang Tiktok content creator na si Rousanne Marie Bernos na magpapatunay na iba ang ‘pag sikat ka sa Tiktok dahil malaking tulong ito para dumami ang iyong mga supporters, kilala kasi siya bilang mahusay sa English at ito ang kanyang content sa Tiktok ang magturo ng English kaya naman kung sa QandA portion ng Miss Universe tiyak masasagot niya ito ng maayos. 

Photo: Miss Universe Philippines FB

Photo: Miss Universe Philippines FB


Dahil tinanggal na ang height requirements ngayon sa Miss Universe Philippines ay sinamantala ito ng marami kaya naman maraming kalahok ang sumali ngayon sa Miss Universe. Anyway panoorin ang bidyo para sa Top 15 na nanalo sa Headshot ng Miss Universe Philippines 2021.