Friday, February 22, 2019

Loisa Andalio nagsalita na sa walkout issue ni Angel Locsin sa The General's Daughter set

Views
Instagram/@iamandalioloisa, @therealangellocsin
Nitong mga nakaraang araw naging usap-usapan ang issue sa inasal diumano ni Angel Locsin sa set ng The General's Daughter set dahil sa pag-walkout diumano ni Angel.

Maraming naging bersyon ang issue na ito, may bersyon na madalas daw ma-late itong si Angel at may bersyon din na hindi raw ma-take ni Angel ang pagsigaw-sigaw sa kanya ng director ng TGD na si Derik Manny Palo sa taping nila nung February 15, kaya naman tinuldukan ito ni Loisa sa interview sa kanya ng ABS-CBN sa launch ng kanyang bagong iniindurso.

Instagram/@iamandalioloisa

Instagram/@iamandalioloisa

Instagram/@iamandalioloisa,

Instagram/@therealangellocsin
“Sobrang okay kaming lahat sa set, as in lahat (ng) mga artista, direktor, sobrang okay talaga. Kaya nagulat ako noong nakita ko yun.” -Loisa Andalio 

“Wala. Wala! Si Ate Angel (Locsin) sobrang bait niya as in sobrang haba ng pasensya niya. Kaya ako ‘nung nabasa ko ‘yun, nabasa ko talaga and ang dami rin nagcomment kasi sa pagkakakilala ko sa kanila parang hindi gagawin ni Ate Angel yun.” -Loisa Andalio

Ano ang masasabi niyo sa isyu na ito?


Sources: LionhearTV, Showbiz na showbiz
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment