Sunday, March 17, 2019

Bakit ayaw na ayaw bumalik ni Chokoleit sa Davao?

Views
Instagram: Chokoleit
Maraming dumagsa na mga kaanak, kaibigan at ilang kasamahan ni Chokoleit sa showbiz ang kanyang burol sa Davao City. Noong Friday dumating ang Cosmopolitan Memorial Chapel ang labi ng komedyante na pumanaw sa edad na 48 dahil sa heart attack.

Si Jonathan Aguilar Garcia o maskilalang Chokoleit ay tubong Davao. Sa panayam ng ABS-CBN sa kaibigan ni Chokoleit na si Allan Tiongson, kapag nasa Davao ang komedyante, sinisiguro nito na nagkikita-kita silang magkakaibigan.


Instagram: Chokoleit
“The last time na nagkita kami ni Chokoleit noong pagkamatay ng kanyang mother, that was a year ago. Sabi niya, ayaw niya bumalik sa Davao kasi nasasaktan siya sa memories ng kanyang mother,” sabi ni Allan.

Hindi rin nakalimot si Bayang Agbayani mula sa PDP-Laban rally sa Crocodile Park sa Davao na dumaan sa lamay ni Chokoleit. Sa kanyang eulogy, naikuwento ng Kapamilya comedian ang huling chikahan nila ni Chokie.

ALSO READ: Vice Ganda hindi kinaya emosyon bumuhos ang luha para kay Chokoleit

“Last na nakausap ko siya, lumapit siya sa akin tapos may binulong siya. Sabi niya, ‘Yani tuwang-tuwa ako kasi nakikita uli kita sa TV. Ang galing-galing mo sa, I Can See Your Voice. Sabi niya, galingan ko pa para magtuloy-tuloy na ang TV ko lagi,” pahayag ni Bayani.

Laking pasasalamat naman ng pamilya ni Chokoleit sa mga nagmamahal sa kanya.  Kahapon nagkaroon ng misa sa lamay na sinundan ng cremation ng labi ni Chokoleit at libing.

Panoorin ang tribute ng Star Magic para kay Chokoleit: 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment