Sunday, March 10, 2019

Dating Aktres na si Deborah Sun ibinunyag ang ginawa ni Ara Mina sa kanya

Views
Instagram: therealaramina

Sobrang laking pasasalamat at utang na loob ng dating artista na si Deborah Sun, ina ng dating young actor na si Jam Melendez.

Dahil sa darating na March 26 or 28, magtatatlong taon na nakatira ang dating aktres na si Deborah sa bahay ni Ara Mina sa Cubao, Quezon City.

Nakatsika ng Pep.ph si Deborah sa lamay ni Marie Balbacui, nitong Marso 6, Miyerkules ng gabi, sa St. Peter Memorial Chapels, Quezon Avenue corner Sct. Chuatoco St., Quezon City.

Ani Deborah, tinawagan siya ni Ara nang nabalitaan nitong lubog siya sa problema. Hindi nga niya ito agad nabosesan.

"Nakasama ko si Ara sa isang teleserye pero hindi ko siya nakabarkada," kuwento pa ni Deborah.
"Nagulat ako nang tawagan niya ako at mag-offer siya sa akin ng bahay. Sabi ko, 'Anak, magkano?'
"Ang sabi niya, 'No, Tita! Wala kang babayaran. Bayaran mo lang ang kuryente, tubig, association, ganun-ganun!'"

Hindi lang iyon ang naitulong ni Ara kay Deborah.

"Minsan, binati niya ako, 'Happy Mother's Day, Tita!' E, may anak akong nakakulong.
"Sabi niya, 'Tita, dalaw ka sa anak mo!' Sabi ko, 'Ayoko.'
"Tanong niya, 'Bakit?' Sabi ko, 'Kasi, wala akong dala.'
"'Ano bang gusto ng anak mo?' 'Spring chicken sa Max's saka kare-kare.'
"Sabi niya, 'Sige, Tita, dumalaw ka.' Nagpadala siya. Binigyan ako ng PHP1,500.
"Nung kelan lang, nangumusta siya. Sabi ko, 'Eto, masama ang pakiramdam!' Ayun, binigyan niya ako ng pandoktor!
"Hindi mo kailangang humingi sa kanya. Kusa siyang nagbibigay!"

Masasabing may busilak na puso itong si Ara at hindi niya ito pinangangalandakan na siya'y tumtulong sa iba. Sana marami pang artista na katulad niya na may busilak na kalooban.



Source: Pep, Titsmosa

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment