Thursday, March 21, 2019

K Brosas, Pokwang at Kakai galit na galit sa herbal company na ginamit ang larawan ni Chokoleit para sa advertisement

Views
IMAGE Courtesy: @kbrosas / @itspokwang27 / @ilovekaye on Instagram

Nagulat at inalamahan ng mga kaibigan ng yumao na si Chokoleit na sila K Brosas, Pokwang at Kakai nang makita at mabasa nila ang isang post sa Facebook ng isang herbal supplement na ginamit ang larawan ng yumao nilang kaibigan na si Chokoleit. Ayon sa mga magkakaibigan ay nilapastangan daw ang mga alaala ng namayapa nilang kaibigan.

Matatandaan noong Marach 10 ay inatake sa puso si Chokoleit pagkatapos ng kanyang performance sa Bangued, Abra sa edad na 48.

Sa post ni K ngayong Huwebes, March 21, tinawag niyang pambabastos ang ginawang post ng “Vegiemax.”

Sabi ng singer-comedienne sa kanyang post:


“Sinong hindi mang gigil SA ganito?!

“Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!!

“Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila??

“Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow!

“At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na 'kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha' (SWIPE para makita) .. seriously?!!

“BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso... ano pa kaya kung patay na?!!"

Nanggagalaiti pa niyang sabi:
“Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo!

“Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman!

“Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!!
“Palakpakan!!”





Sinong hindi mang gigil SA ganito?! Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!! Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila?? Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow! At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na “kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha” (SWIPE para makita) .. seriously?!! BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso... ano pa kaya kung patay na?!! Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo! Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman! Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!! Palakpakan!! 😡😡😡
A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Sa mga larawan na pinost ni K ay may screenshots na makikitang isa rito ay komento ng administrator ng Vegiemax:

“Wala naman po ngsabi na gumamit cya. “Kung nka take po cya ng Vegiemax, malmang buhay pa cya just like many other na ngyon ay masaya sa pigging healthy after taking our product."



POKWANG, KAKAI REACT:

Sa comments section, nag-react sina Pokwang at Kakai Bautista sa nasabing post.
Sabi ni Kakai,
"SOBRANG KAPAL NG MUKHA. 
"MGA UNGAS!!!!!!!!"



Sabi naman ni Pokwang,
 "ayaw mag hanap buhay ngbpatas mga hayop nayan!!! palaklak konkaya sa kanya lahat yan ng isang inuman lang? buhay pa kaya yang hayup nayan???"




"Ayun.. nung pinost ko to saka nag delete Mga Dimunyu!"






Source: Pep

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment