Friday, April 5, 2019

85 anyos na lola nakakawang pumanaw sa puwesto niya habang nagtitinda

Views

  • Nag-viral agad ang larawan ng isang lola na natagpuang pumanaw habang nagtitinda sa kanyang puwesto
  • Nakasubsob ang matanda sa kanyang puwesto na hindi pa matukoy ang sanhi ng pagpanaw
  • Netizen na nag-post nagsabing pahalagahan ang mga grandparents habang buhay pa sila

Image: Kevin King Jardiolin Malabug

Maraming netizens ang nalungkot sa isang matanda na 85 anyos na natagpuang nakasubsob sa kanyang puwesto habang nagtitida, sa una hindi alam ng mga tao sa paligid na hindi na pala humihinga ang kawawang matanda na napag-alaman ng Saksika na ang pangalan ay si lola Juanita at sa Mexico (ibang bansa) raw ito naganap.

Ayon sa post ng isang netizen na si Kevin King Jardiolin Malabug na nagtitinda lamang si lola Juanita sa kanyang puwesto nang ito'y pumanaw na lamang at walang nakapansin dahil ang akala ng mga taong dumadaan ay tulog lang ang matanda hanggang ito ay matuklasan na lamang na pumanaw na pala si lola.

Sana maging reminder ito sa mga taong buhay pa ang lolo't lola na hanggat maari ay 'wag na silang pagtrabahohin dahil mahina na katawan nila bagkos kung kaya naman natin ay tayo na lang humanap ng paraan para makatulong sa pamilya.

Photo: Kevin King Jardiolin Malabug

Photo: Kevin King Jardiolin Malabug



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment