Monday, April 8, 2019

Amerikana ang nanay ng kambal nina Korina at Mar

Views

  • Korina sinabing American ang surrogate ng kambal ni Mar at Korina
  • Masbumabata raw si Korina kahit walang make-up
  • Kasama ni Korina ang kanyang pet na aso 



Habang bumababa ng hagdan sa  Corporate 145 Building sa may Mother Ignacia, Quezon City si Korina Sanchez nitong Biyernes nakita ito ng aming source. Nanggaling daw si Korina sa studio ang broadcast journalist.

Hindi agad nakilala g aming source si Korina nu'ng una dahil daw nagmukha siyang masbata sa kanilang paningin lalo't hindi siya naka-make-up.

Binanggit naman ng aming source na bumata raw si Korina kaya hindi nila agad nakilala, sagot naman ni Korina, “Naku malabo lang ang mata mo.” Sabay dagdag niya ng, “Masaya kasi walang pressure.”

Kiniha na ng aming source ang pagkakataong tanungin si Korina na kung kumusta na ang anak nilang kambal ni Mar na sina Pepe't Pilar, sagot naman ng Rated K host, “Hayun, dumating na kami,” saad sa amin.

Nabanggit naman ng aming source ang naging kuwentuhan nila 7 years ago about sa pagpapa-freeze ni Korina ng kanyang egg cells, “Oo nga, heto na, natuloy na,” sagot niya.

Tinanong naman ng aming source kung ano ang lahi nng surrogate ng kambal ni Mar at Korina, sagot naman ni Korina, “American, malalaman ninyo rin lahat, magpapatawag ako ng kuwentuhan,”  “Mahaba, eh kasi isinama namin ‘yung names ng lolo and lola, basta sobrang haba.”

Kasama rin ni Korina ang dalawa niyang pet na aso at wag daw ito ismolin dahil may sarili raw silang handler, Isinama ko sila para maiba naman ang nakikita.” sabi ni Korina.

Kinumusta na rin ng aming source ang ibang alaga nila na itinuturing na rin niyang mga baby, “Hayun, malulusog lahat, buhay pa silang lahat.”













Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment