Monday, April 1, 2019

Isang foreigner niloko ng bading iniwang palabuy-laboy sa Bulacan

Views

Isang foreigner na taga-Finland ang viral ngayon sa social media matapos iwan ng naka-relasyong pinoy kaya't galit na galit ang netizens sa pinoy na bigla na lamang iniwan ito.

Base sa post ng isang page sa social media na "Pinas Trending Video" iniwan daw ito ng nakarelasyong bading at kinuha ang pera at mga importanteng dokumento tsaka maleta nito.

Kaya ngayon palaboy-laboy na lamang daw ito sa Bulacan na kung saan may nakakitang babae na itinataboy ito sa 7/11 dahil wala itong pambili ng pagkain.

Marami saating mga pinoy ang gusto umunlad kaya't kadalasang gumagamit ng ibang tao lalo na ang mga taga ibang bansa, ngunit sa sobrang makasarili, nakaka perwisyo na ng ibang tao.

Panawagan ng mga netizens na sana raw ay matulungan ang foreigner na ito upang makauwi na sa sarili niyang bansa dahil siya ay palaboy-laboy na lamang dito saating bansa.

Napag-alaman ng Saksika na ang foreigner na ito ay isang Finnish ito'y ayon sa orihinal na nag-post ng mga larawan na si Ms. Christine Ibañez.

Narito ang caption ng Facebook page na nag-post:

Eto po yung amerikanong pinagtabuyan ng mga tao at ng security guard sa 7/11 dahil wala daw po syang pambili ng pagkain, buti na lang at may naawa sa kanya at binigyan sya ng pagkain, meron daw po sya nakarelasyong pinoy at iniwan sya tangay lahat ng pera, maleta at mahalagang dokumento gaya ng passport kaya hindi sya makauwi sa bansa nila at namamalaboy na lang po sya sa bulacan po ito sana po matulungan natin sya sa pamamagitan ng pag share nito.
© Christine Ibañez

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment