Sunday, April 7, 2019

Isang groom itinuloy ang kasal kahit pumanaw na ang bride; pinag-isa kasal at libing

Views

  • Itinuloy pa rin ng isang sundalo ang kasal nila ni bride kahit pumanaw na ito
  • Araw ng kasal na lang sana ang hinihintay nang mamatay ang bride-to-be sa isang aksidente 
  • Hinalikan ni groom si bride sa kahuli-huliang sandali


Ikakasal na sana sina Brian at Danica at hinihintay na lang ang pinakamasayang araw sa buhay nila nang mapalitan ito ng masalimuot na pangyayari.

Hinihintay na lang ang araw ng kasal nilang dalawa ngunit naaksidente ang bride-to-be na si Danica at naging dahilan ito ng kanyang pagpanaw at iwan si Brian na mag-isa.
Nagmamaneho ang kanyang ama na kung saan nakasakay ang bride nang mabangga ito sa nakaparadang van sa tabing-daan.

Ang masnakakalungkot pa ay 4 months na palang buntis si Danica na galing pa naman sila sa clinic dahil nagpa-check up nang maganap ang aksidente noong Marso 25.

Excited na sana sila sa kanilang kasal at mismong si Danica ang gumawa ng kanilang mga souvenir.

Sa kabila ng nangyari at dahil sa sobrang mahal ni Brian si Danica ay itinuloy pa rin niya ang kasal at humingi siya ng pahintulot sa simbahan.

Pumayag naman ang simbahan sa gusto ni Brian at nilagyan na ng dekorasyon ang simbahan na parang sa isang kasal, ngunit paalala ng simbahan ay hindi ito maituturing na tunay na kasal dahil ang kasal ay para lang sa mga buhay.

Nagawang lumakad ni Brian kasama ito na para bang ikakasal at ginanap na rin ang misa para kay Danica sa kanyang libing at nagawa naman halikan ni Brian ang kanyang mahal sa huling sandali. Lubos naman nakikiramay ang Saksika sa pamilya ni Danica.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment