Wednesday, April 3, 2019

Super Tekla makikipaglaplapan kina Kim at Derrick sa kanyang first movie?

Views
“Si Lala ‘yung side na fashionista, masayahin, mapangarap, basta tipikal na gay na maganda. Si Kiko naman, ‘yung guwapong-guwapo sa sarili niya,” - Tekla.

Masaya at thankful ang Kapuso comedy star na si Super Tekla dahil sa kanyang kauna-unahang pelikula under Backyard Productions na pinamagatang "Kiko En Lala." Bukod sa ito ang first movie break niya bilang isang komedyante ay dalawa pa ang kanyang magiging karakter na gagamapanan meaning dalawa rin ang kanyang magiging partner.

“Si Lala ‘yung side na fashionista, masayahin, mapangarap, basta tipikal na gay na maganda. Si Kiko naman, ‘yung guwapong-guwapo sa sarili niya,” masayang kuwento ni Tekla.

Pero sino nga ba ang magiging kapareha niya sa movie na ito? Ang magiging ka-partner niya ay walang iba kundi ang Kapuso babe na si Kim Domingo at Kapuso hunk na si Derrick Monasterio. Pero Ang tanong ng marami, may kissing scene kaya si Super Tekla kina Derrick at Kim? At kanino kaya siya masmag-i-enjoy?

Makakasama rin ni Tekla sa “Kiko en Lala” sina Ai-Ai delas Alas, Tetay, Kiray Celis at Jo Berry, na malapit nang mapanood sa mga sinehan nationwide.

Source: Abante
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment