Sunday, September 8, 2019

IG Snap: Is This Tito Sotto's Response to Vice Ganda's Comment on SOGIE Bill Issue? Netizens React

Views

Manila, Philippines – Talaga naman hot na hot issue ngayon ang SOGIE Bill na nagsimula lang sa paggamit ng isang trans ng CR ng pambabae at ngayon nasa senado na at pati mga netizens at mga artista ay nakikisali na rin. Matatandaang nagbigay comment si Vice about sa SOGIE Bill at mukhang ito ang response sa kanya ni Tito Sotto.




Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak? E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.
A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Agad naman nagbigay ng komento ang mga netezens at narito ang kanilang sinabi:

Screenshot from Fashion Pulis 1/9

Screenshot from Fashion Pulis 2/9

Screenshot from Fashion Pulis 3/9

Screenshot from Fashion Pulis 4/9

Screenshot from Fashion Pulis 5/9

Screenshot from Fashion Pulis 6/9

Screenshot from Fashion Pulis 7/9

Screenshot from Fashion Pulis 8/9

Screenshot from Fashion Pulis 9/9



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment