Thursday, September 12, 2019

Kung kailan daw walang stable na work si Claudine saka pa nag-ampon

Views
Claudine Barretto IG
Manila, Philippines – Dahil sa napapabalitang nag-ampon nanaman daw si Claudine Barretto ng baby boy ay marami tuloy nagtataka kung bakit kung kailan siya walang trabaho ay ampon pa nang ampon. Kaya naman ang ilang netizens ay inisip na baka sinusundan ang yapak ni Nora Aunor. Matatandaang ang una niyang inampon ay si Sabina na iniwan daw ng kanyang ina na may stroller ito at may sulat pa ng kanyang ina nang iwan du’n ang sanggol sa tapat ng bahay ni Raymart Santiago sa Loyola Grand Villas.

Tinuring na tunay na anak si Sabina kahit na nagkaroon na sila ng anak ni Raymart na si Santino na ngayon ay binatilyo na. May mga namagitan sa matinding problema nina Raymart at Claudine, ang aktor ang nagpapaaral ngayon sa kanilang mga anak, regular din silang nakapagba-bonding.

Kaya naman hindi mawala sa isip ng mga netizens kung bakit patuloy pa rin ang pag ampon ni Claudine dahil nga may inampon na naman siya ngayon. Opinyon ng mga ito, kung kailan naman walang trabaho ang aktres ay saka siya kuha nang kuha ng obligasyon, paano kaya niyang maibibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga inaalagaang sanggol?
Tanong din ng isang nakausap namin, “Idinadaan ba niya sa DSWD ang mga sanggol na inaampon niya? Siya ba ang nakalagay na foster parent ng mga bata?

“Kailangan sa name niya nakalagay ang mga bata kung pinayagan siya ng DSWD. Baka mamaya, e, wala naman pala sa pangalan niya ang mga batang inaampon niya bilang foster parent?”
Reaksiyon naman ng iba, ano raw ang ginagawa ng kapatid niyang si Gretchen Barretto, siyempre’y tutulong ang namamahingang aktres sa mga pangangailangan ng mga bagong ampon ng kanilang bunso.


View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment