Saturday, September 21, 2019

Marjo Mariko Ledesma nag-quit na TNT at sinabihan ang netizens na i-stop na siyang i-bash

Views
IG: @mariko22ledesma

Manila, Philippines – Sa post ni Marjo Mariko Ledesma sa kanyang official FB account kanyang ipinahayag kung anu-ano ang kanyang pinagdadaanan resulta ng pagsali niya sa It's Showtime's TNT. Ayon sa kanya hindi na madali ang kanyang pamumuhay nitong mga nakaraan dahil sa kanyang mga natatanggap na mga sari-saring pambabatikos sa mga netizens at dahil dito baka hindi na niya kayanin. Ayon din sa kanya ay tao lamang siya at may pakiramdam at sa bawat pamba-bash sa kanya kapalit nito'y isang mabigat na kalooban at kanya itong pinapasan.

Kaya naman para matapos na ang lahat napagpasyahan niya na mag-quit na lang sa nasabing patimpalak para matigil na ang mga pamba-bash sa kanya dahil baka sa huli iba na ang magawa niya at baka di na niya kayanin. Pero nagpapasalamat pa rin siya sa It's Showtime at naki-usap na itigil na ang pambabatikos sa kanya at hindi rin niya kinalimutan ang mga kapwa finalists na deserve daw nila kung ano ang kinakatayuan nila ngayon sa TNT.

FB: Marjo Mariko Ledesma

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment