Friday, September 27, 2019

Mommy ni Alex hindi nakapagpigil kinausap na si Lolit Solis sa isyung pag-inab ni Alex Kay Ken at Rita

Views
Lolit Solis left, Alex and her mom right
Manila, Philippines – Dahil nga sa lumalaking isyu nina Alex, Ken at Rita dahil sa isang source ni Lolit Solis na handang sumumpa na totoong nang-dedma si Alex nang lapitan ito nina Ken Chan at Rita sa isang lounge sa Davao dahil fan na fan daw kasi ni Alex ang dalawa dahil sa pagvo-vlog nito pero dedma lang daw kay Alex. Dahil dito hindi nakapagpigil si Manay Lolit Solis sa nangyari at ayon na nga kanya itong ipinost na agad namang pinag-usapan at naging isyu.

View this post on Instagram

Kaloka at kainis ang nalaman ko nangyari sa isang airport sa Mindanao kung saan pumunta ang mga taga ABS at GMA stars Salve. Karapatan naman ng kahit sinong tao ang hindi pansinin kung sino ang bumabati sa kanila, OK lang dahil pag ayaw mo ‘di huwag di ba? Mas mabuti nga iyon dahil walang plastikan pero ang maituturing mong kabastusan iyon nilapitan ka na at nagpakilala sa iyo, lalo pa sa kapwa mo artista, siguro naman hindi ganun kamahal ang ngiti mo lalo na at kasamahan mo sa trabaho. Pag nakita ko si Ken Chan at Rita Daniela talagang pagsasabihan ko sila dahil you are how you treat yourself. Ok, totoo man na gusto nila at fan sila ng pagiging Vlogger ni Alex Gonzaga, just admire from a distance. Ang kuwento nagkasabay sila sa airport at nilapitan ni Ken at Rita si Alex Gonzaga at sinabing fan sila ng vlog site nito. Tumango lang daw si Alex at parang dedma. Wow. Snob? Big star? Actually kila Ken at Rita ako nainis ha. Artista sila, hindi sila dapat umarte na parang bigger star si Alex. Naku, tingnan nga natin kung sabay na nasa gitna ng crowd silang 3 kung sino may mas malakas na tili, sure ako mas malakas si Ken Chan. Si Rita baka mas malakas pa kaysa kay Alex noh. Taray. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako
A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Anyway mukhang ang mommy na ni Alex ang kumausap kay Lolit Solis at ito ang kuwento ni Lolit Solis:
Naku Salve ha. In fairness sa mommy Pinty nila Toni at Alex Gonzaga kahit nun pa mabait siya sa akin pag nakikita ko. So nang ipakausap siya sa akin ni Jun Lalin sa phone, kinausap ko. Sinabi ko na iyon paggalang ko sa kanya hindi nawawala at hindi ko malilimutan iyon pagiging mabait niya sa akin. Sabi ko huwag na siya magpaliwanag sa nangyari, after all tapos na at ayaw naman palakihin na ang issue nila Ken Chan at Rita Daniela. Walang paliwanagan, basta para sa akin nasulat ko ang nangyari, kung ano totoo, nasa konsensiya na nilang tatlo iyon. Basta dahil nandun respeto sa akin ng mommy Pinty nila Toni at Alex, nandun din respeto at paggalang ko sa kanya. Case closed. Wala nang issue. Salamat mommy Pinty, basta ginagalang kita, at ok na po. #classiclolita #takeitperminute #72naako #pilipinostarngayonshowbiz

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment