Sunday, October 6, 2019

Netizen Snap: Isang estudyante pinagtripan ng mga batang kababaehan sa jeep

Views
Babaeng nang-trip sa estudyante

Post from Julie Ann Dimla:

MASYADO BA AKONG MAGANDA SA PANINGIN NINYO?

As of 1:00pm pauwi kami papulilan kasabay yung mga kaibigan ko galing BSU Malolos. Sa bandang lugam sumakay yung tatlong babae. Kasasakay pa lang sobrang iingay na. Mura dito mura doon. Hanggang sa napansin kong may hawak sila na mga petals ng bulaklak. Habang tumatagal ang byahe, nanttrip sila sa driver mag sasabi ng para pero hindi naman bababa. Take note, wala silang bayad. Maya maya napansin kong nakatingin sakin yung babaeng nakasando, inirapan ako. Hindi ko nalang pinansin, pinakiramdaman ko nalang ano trip ng mga to. Hanggang sa naramdaman kong may balak sila sakin,, vinideo ko na sila kasi bababa na sila sa plaridel. Panuorin nyo yung video at makikita nyo yung ginawa nila.

Hinagisan nila ako ng mga bulaklak, ang sweet naman nila kasi minura pa nila ako bago sila bumaba.(maririnig sa dulo ng video). Tapos nag tatakbo sila. Sana lang may paruonan kayo.
Anong ginawa ko sainyo? Sabi nga baka nagandahan lang kayo sakin kasi iba nadadala ng inggit sa katawan. Kung makakasabay nyo man po sila sa jeep mag ingat po kayo dahil base sa experience ko madalas na nilang ginagawa ang pang ttrip sa jeep.

Hindi nalang ako kumibo nung pagkahagis nila sakin ng bulaklak dahil may mga katabi akong matanda at iba ay studyante din ng BSU.

Pati mga babae ngayon nananakit nadin, kaya girls/boys kahit anong kasarian kaylangan natin mag ingat sa ano mang oras at kung saan man tayo naroroon.
Godbless nalang sainyo mga iha.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment