Wednesday, November 13, 2019

Anak ni Marian na si Zia Dantes pinuri ng netizens dahil sa pagtulong niya sa biktima ng lindol

Views
Zia Dantes IG

Manila, Philippines – Isang fan ang nag-post sa Facebook na kung saan makikita sa Zia Dantes na tumutulong sa kanyang mommy na si Marian Rivera sa pag-eempake ng mga 'goods' na ipamamahagi sa mga biktima ng lindol sa Davao at ilang bahagi ng Midanao na labis naman ikinatuwa ng mga netizens.

Masasabi nating maganda ang ginagawa ni Marian na kanyang ini-expose sa ganitong klaseng event ang kanyang anak para masanay na tumulong sa kapwa. Makikita kasi na masayang masaya si Zia sa kanyang ginagawa habang habang hawak-hawak ang mga plastic na nilalagyan niya ng mga de-lata, kape, at iba pang mapapakinabangan ng mga biktima.

Kaya naman hindi maiwasang mapansin ito ng mga netizens na sa murang edad pa lamang ni Zia ay naturuan na ito ng kanyang mga magulang ng napakagandang asal, at ‘yun nga ay ang maging mapagbigay, tumulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan, o mga biktima ng kalamidad.

At isa pa, maganda rin ang pamamaraan ni Marian upang tumanngap ng pagkatalo ang kanyang anak,
 sa isang contest na sinalihan nito sa kanyang school, bagama’t natalo ito sa national costume, at nalungkot ito, naipaliwanag nang mabuti ni Marian sa bata na hindi naman masama ang tumanggap ng pagkatalo, dahil ang buhay nga, minsan ay panalo ka, at minsan ay talo ka. Dahil sa magandang eksplanasyon ni Marian kay Zia, naunawaan daw agad ng bata ang gusto niyang sabihin, at napangiti na lang ito.




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment