Thursday, November 7, 2019

Daisy Romualdez and Annabelle Rama gigil na gigil kay Morissette dahil sa pag-walkout nito

Views
Morissette IG (left) Daisy Romualdez and Annabelle Rama (right) dominicreaoffical IG

Manila, Philippines – Sa showbiz ay hindi talaga maiwasang magkaproblema, lalo na sa side ng mga artista o talents at sa likod ng kamera. Pero pinakamahalaga sa lahat ay ang paano i-handle ng isang artista ang kani-kanilang problema mapatrabaho man o personal matters dahil dito masusukat kung gaano ka ka-professional sa trabahong pinili mo.

Ito ngayon ang isyu na kinakaharap ng singer na si Morissette Amon na maraming bumabatikos na mga netizens at mga katrabaho sa showbiz dahil sa pag-walkout niya sa birthday concert ni Kiel Alo na siya ring alaga ni Jobert Sucaldito. Nagkataon naman na nanunood sa concert sina Daisy Romualdez at Annabelle Rama at kapansin-pansin ang pagkadisamaya nila sa pag-walkout ng singer. Ayon sa mga netizens ay isa raw sa dahilan ng pag-walkout niya ay ang pag-interview sa kanya about personal matters at na-offend daw ang aktres. Narito naman ang reaksyon nina Romualdez at Annabelle Rama.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment