Sunday, November 10, 2019

Hindi naman ako big star kagaya ng mga artista nila, says Angelica Panganiban

Views
Angelica Panganiban Twitter/IG

Manila, Philippines – Dahil maraming fans at followers ni Angelica Panganiban ang excited para sa gaganaping ASAP Rome, isang hindi magandang balita naman ang nabalitaan nila sa aktres, sa tweet ni Angelica kanyang ipinahayag ang dahilan kung bakit hindi siya kasali sa ASAP Rome. Mid October pa raw ang aktres na wala sa lineup at nagtataka rin kung bakit hindi man lang daw pinaalam ng ASAP na hindi siya kasali since may mga fans siya sa ibang bansa na gusto pang bumyahe para lang mapanood ang event. Sa kanyang mga tweet ito ang kanyang sinabi,

Hayaan na natin. Hindi din naman ako big star kagaya ng mga artista nila. Balang araw... sisikat din ako at mag ma matter ako sa show nila. Sana one day. Sana talaga.
Mid of October pa ko nawala sa line up dahil may movie kaming ginagawa. Hindi ko talaga alam bakit hindi kayo na inform. Sorry ๐Ÿ˜ 
Back to regular programming na tayo mga besh. Wag tayo sa walang pakelam satin. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment