Saturday, November 16, 2019

Jobert Sucaldito nalungkot sa pag-unfriend sa kanya ni Morissette sa FB at pagbura nito sa apology post niya

Views
Jobert Sucaldito FB/ Morissette Amon IG

Manila, Philippines – Labis na ikinalungkot ni Jobert Sucaldito ang pag-unfriend sa kanya ni Morissette sa FB at pagbura nito sa apology post niya sa nangyaring pag-walkout niya sa birthday concert ng alaga ni Jobert na si Kiel Alo.

Matatandaang maraming nadismaya sa inasal at sa pagiging unprofessional ni Mori sa kanyang ginawa at pati mga matatagal ng artista na gaya ni Daisy Romualdez at Annabelle Rama ay gigil na gigil sa kanya after siya mag-walkout sa concert.

Marami ring nadismayang netizens dahil pagkatapos mag-walkout ni Mori ay nakita ito na masaya kasama ang mga kaibigan at boyfriend na nag-dinner sila.

After mabalitaan ng lahat at tila na-corner na itong si Mori ay agad itong nagpaliwanag at nag-sorry ito gamit ang kanyang FB, agad naman itong shinare ni Jobert Sucaldito sa kanyang FB pero nito lang ay nalungkot si Jobert nang burahin ni Mori ang mga larawan sa concert at ang apology post niya sa kanyang ginawa at pati na rin pag-unfriend niya kay Jobert.

Jobert Sucaldito FB

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment