Saturday, November 9, 2019

Morissette Amon dedma ang isyu, happy lang with Dave Lamar ang friends

Views
IG @davejlamar/ IG @itsmorissette

Manila, Philippines – Naging matunog ang pangalan ng singer na si Morissette Amon nito lang dahil sa kinakaharap nitong malaking isyu dahil sa pag-walkout niya sa isang birthday concert na alaga ni Jobert Sucaldito na si Kiel Alo, hindi malinaw ang dahilan kung bakit pero ang bali-balita ay dahil na-offend daw ang singer sa interview na ginawa sa kanya bago pa mag-start ang concert.

Maraming na-disappoint sa singer dahil ni hindi man lang siya nagpakita sa stage at inaasahan ng mga bumili ng ticket na makita siya, kaya naman bago siya lumabas, minabuti ni Jobert Sucaldito na magpakita sa stage at sinabihan ang mga taong na sa concert na nag-walkout ang singer para naman magpaliwanag na nandoon talaga ang singer ay kanyang minabuting ipakita sa mga tao na habang papalabas ng concert hall si Mori ay itinuro niya ito sa mga tao at marami naman nakakita at nakakuha ng bidyo.

Ganun pa man, kahit na nagsilabasan ang kabi-kabilang article about sa nangyari at pati na rin ang bidyo nina Daisy Romualdez and Annabelle na kung saan gigil na gigil sila sa ipinakitang ugali ng singer ay tila hindi apektado ang singer at namataan ito na masaya at kasama si Dave Lamar at mga ilang kaibigan.

IG @davejlamar

IG @davejlamar

IG @davejlamar

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment