Sunday, November 10, 2019

Quiboloy sinagot si Vice: Baka pati network mo stop na yan

Views
Vice Ganda and Quiboloy
Manila, Philippines – Naging usap-usapan at naging mistulang katuwaan ang sinabi ni Qiuboloy tungkol sa pagpa-stop niya sa lindol sa Mindano nitong nakaraan kaya naman pati si Vice Ganda ay ginawa ring biro ang sinabi ni Pastor Quiboloy.

Kumasa kasi sa hamon ni Vice Ganda ang pastor na si Apollo Quiboloy.
Sa isang viral video, mapapanood ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name na sumagot at nag-react na tungkol sa naging challenge sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice
ganda sa isang episode ng It’s Showtime.
Ayon kay Vice, “Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ‘Ang Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh.


“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon,” aniya pa.
Sagot naman ni pastor Quiboloy, baka raw hindi lang ang primetime series ni Coco Martin ang mapahinto niya kundi pati ang buong Kapamilya network.

“Lindol lang ung pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano?"

“Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop? Isang buwan? dalawang buwan? tatlong buwan? apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan,” mariing pahayag ni Quiboloy.

Kapamilya Trending YT Channel 

Kapamilya Trending YT Channel 

Ang ipinapahiwatig ng pastor ay ang isyu sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network na mag-e-expire sa March 30, 2020. Ang paniniwala ng marami ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng network.

Dagdag pa ng pastor sa challenge ni Vice, “Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na."

“Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na,” pahayag pa ni Quiboloy.

Quiboloy IG



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment