Tuesday, December 3, 2019

Fans ni Alden at Daniel 'at war' nang aminin ni Daniel na para sa kanya daw ang role ni Alden sa "Hello, Love, Goodbye."

Views
Hello, Love, Goodbye poster at left, DJ at TWBA

Manila, Philippines – Hindi aware si Daniel Padilla sa kanyang inamin na sa kanya pala ang role ni Alden Richards sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na ikaka-trigger pala ng ilang fans ni Alden. Sa panayam ni Boy Abunda kay DJ, inamin ni DJ na sa kanya pala inoffer ang role ni Alden at kanya itong tinanggihan kaya napunta ito kay Alden.

Ang dahilan daw ni DJ ay nag-usap sila ni Kathryn na mag-solo muna sila ng mga projects this year para magkaroon sila ng kanya-kanyang foundation na hindi gagana ang isa kung wala ang isa. Kaya naman triggered ang ilang fans ni Alden dahil parang pinapalabas ni DJ na siya ang first choice at option lang si Alden.



Narito ang bangayan ng mga fans ng dalawa aktor:


  • Nasa huli talaga ang pagsisisi. Bakas sa Mukha nya (DJ)
  • Kung nangyari, di mararanasan ni Alden ang blockbuster hahahah
  • Kaya nga nakakatawa kasi kung hindi naging highest grossing film yan, baka i-deny ni Daniel na first choice siya 🤣
  • Bitter siya kamo. Malamang kung hindi naging box office success yung movie nila Alden at Kath, tingin mo, sasabihin niya ang statement na yan?
  • nag hit ang HLG because of the joint fans of Kathryn and Alden. Sagad sa promo which is a typical SM marketing strategy kaya pumatok din sa mga casual viewers because it's a new kind of partnership. Yun lang yon.
  • akala nya kasi hindi magiging blockbuster ang movie. At nauga ang LT ng KN sa Kathden plus natabunan siya ni A. Wag magalit ang mga KN fans, maging totoo lang tayo sa nangyaring success ng HLG.
  • yun nga. Kung tinanggap ni Daniel. Edi sana di mararanasan ni Alden ang hit movie
  • Nasa huli ang pagsisisi. Iiyak na yan!
  • Fans nga ni alden ang todo iyak ngayon eh, asang asa sila na ginawa ang movie para kay alden
  • Para kay Alden man yang role na yan o hindi, naungusan niya yung nagmamaktol. Maging masaya na lang sana siya sa success ng iba. Tsaka wag niya ipahalatang bitter siya.
  • HLG won’t be as big as it is if it weren’t for Alden. Na-curious ang tao sa tandem nila ni Kath. Kung originally para kay Daniel man yan, magiging box office pa rin for sure. Not just as successful with Alden being the lead.
  • Bat iiyak ang Alden fans? Highest grossing film of all time at si Alden ang leading man. Ang DJ fans hanggang wishful thinking na lang.
  • Juice ko hindi inoffer kay Daniel ang role ni Alden. Kasi kakagawa lng nila ng movie ni Kath. Promise hindi inoffer sa kanya
  • Hmmm.. Irereject ang offer? Seryoso? Dahil magpapahinga sila as a love team.. Di ko gets? Ano bang mali sa pagiging love team kung real life sweethearts din naman sila. I find his “reason” absurd
  • Because they already worked together for almost 8 years with total 7 movies. So they decided to not work together in 2019 both for serye and movie. But they will be back together on 2020 with new serye
  • So sinungaling pala si Kathryn, Direk Cathy and Direk Olive? Ang dami kayang interviews kung sino ang choice nila for the role. Strangers nga eh! Hay naku kawawang Kathryn pinagmukha ka pang sinungaling ng mayabang na ito.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment