Sunday, December 1, 2019

Ito pala ang katotohanan sa likod ng viral na bidyo kung saan may hiwa sa tiyan ang bata

Views
Abi Bartolome FB

Manila, Philippines – Viral na viral ang bidyo na kung saan makikita ang isang bata na ini-interview at may hiwa ang kanyang tiyan, dahil na-uuso ang puting van ngayon na nangunguha daw ng mga teens ay sadyang kapani-paniwala ang bidyo na nag-viral pero lumabas din ang totoong pangyayari.

Nagsalita na kasi ang tita ng batang ito at ito ang kanyang post sa Facebook:

WAG PO KAYONG MANIWALA NA ANG BATANG ITO AY KINUHANAN NG INTERNAL ORGANS.
Nakausap kopo si JD ngayon lang po mismo. August papo ang video na kinuha sa Brgy. Sa SUCAT (according to JD). sabi po ni Jd, sinabi lang niya na kinuha siya ng Van para daw iuwi siya dito sa Bulacan dahil hindi po niya alam paano siya makakauwi.
OKAY PO SI JD. Galing napo ang sugat nya, ung nasa video po ay fresh palang ang sugat nya from Operation sa pagsara ng butas sa tyan nya dahil dun po siya dumudumi. Ung isang tahi ay dahil sa operation for appendicitis naman daw (according to JD).
Ingat parin po tayo at maging alerto, pero sana iwasan po ang pag she-share ng mga stories kung walang basehan, para hindi po maka creat ng takot at panic lalo na sa mga magulang na may mga anak.
#NOTOFAKENEWS
#DONTMISLEADTHEPUBLIC


Narito ang kuwento ni JD

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment