Thursday, February 13, 2020

Zeinab Harake binatikos ng Netizens sa pagpapahilamos niya kay Donnalyn ng tubig sa inidoro, Donnalyn nagbigay statement

Views
Donnalyn Bartolome FB/YT

Sa vlog ni Donnalyn Bartolome na "Can't Say No Challenge (extreme)" na kung saan lahat ng iuutos ni Zeinab Harake ay gagawin ni Donnalyn na-misunderstood ng ilang netizens ang iniutos ni Zeinab na kung saan pinaghilamos si Donnlyn ng tubig galing inidoro. Nagbigay na ng official statement si Donnalyn.

"Sobra na nakakasakit na po kayo, hindi niyo alam ang dynamics ng magkakaibigan kung hindi kayo parte ng grupo. May ibang bagay na hindi pareho sa iba’t ibang klaseng friendship. May iba nagmumurahan pero pagmamahalan nila yun, may iba nagsisigawan na sa ibang friendships naman na sweet lang lagi sa isa’t isa at kalma lang magusap. Pero kami ni Zeinab ganyan kami magusap dalawa, malaki lang at malakas ang boses niya at magkaiba kami ng manner or tone of speaking kaya parang feeling niyo galit siya or what pero my God hindi. If you guys really know me hindi ako pumapayag na nadidisrespect, I call out someone pag may foul na ginagawa, lalo pag part ng community ng YouTube, lalong lalo pa kung kaibigan. It was the concept of the video, CAN’T SAY NO EXTREME so need talaga niya magutos at pa-utos dapat naman talaga ang tone na dapat pag dare, isa pa, si Jelai walang maisip na dare kaya si Zeinab ang sumalo out of Jelai’s own wishes kahit sakit na ng ulo ni Zeinab dahil wala siya maisip na dare and then before we roll the camera we ask each other kung okay saamin o saakin bago namin gawin ang isang dare. Di niyo alam kung gaano ako itinataas ni Zeinab para sabihin niyo mga yan about our friendship. Foul na, please stop. Kayo makaka-affect sa friendship namin. Mas mabuti pa i-private nalang friendship kung ganyan lang din naman. 💔 If you don’t like how she acts or talks hindi mo siya need ibaba, sadyang iba lang talaga ang pananaw mo compared sa nagmamahal sakanya."

"Sakit basahin nung mga masakit magsalita about her kasi napakamaalaga nito saakin, kung makapunas after ng dare na huli, siya pa nagasikaso saakin para makapaglinis ako ng sarili ko. Pati damit siya pa nagaalala, tuwalya siya pa nagdadala. Kaya grabe if you said something bad about her because of that video I can assure you that you’ve sinned.. pero naiintindihan ko na naawa kyo and yung iba mabait naman nagsabi but please I hope maconfirm nitong post ko na hindi niyo dapat yan maramdaman. 😥Sorry Nab 🥺"




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment