Sunday, March 22, 2020

Angeline Nakipaghiwalay sa dyowa; Nabuking na may Ka-live in at Anak na

Views
Angeline Quinto IG

Manila, Philippines – Ni-reveal ni Angeline Quinto via social media ang naging relasyon niya sa isang non-showbiz guy. Pero ilang buwan pa lang ay naghiwalay na agad sila.
Natuklasan kasi ng singer na may ibang babae ang ex-dyowa niya at magka-live in pa. Bukod doon, meron na rin palang anak yung guy.  Itinago sa kanya ng lalaki ang tungkol sa pamilya nito.

“So, nu’ng nalaman ko, medyo dumistansya na po ako. Mahirap na po, e,” paglalahad ni Angeline sa isang interview. Two weeks pa lang ang relasyon nila nu’ng malaman ni Angeline ang lahat.

Kaya naman tinapos agad ni Angeline at relasyon nila last month at ang masmasakit pa rito ay sa mga kaibigan pa niya nalaman ang issue ng kanyang BF.

“Kung sarili ko lang ang iisipin ko, pwede-pwedeng naman. Magiging masaya din ako. Pero yung may iiwanan siya, hindi ko kaya. Alam ko naman na mas tama yung ginawa ko, na pinabalik ko siya sa family niya,” sabi ni Angeline.

Anyway, may ipinost naman si Angeline sa kanyang Instagram account recently na picture ng isang guy na nakatayo katabi ng yellow Camaru sports car. Binati ito ni Angeline ng happy birthday.
Napag-alaman namin na ang lalaki sa photo ay si Chris Marco Chan. Ang daming netizens ang kinilig nu’ng mag-thank you ang guy kay Angeline kaya inakala ng lahat na ito na ang bagong inspirasyon ng singer.
Ayon kay Angeline, matagal na niyang kakilala si Chris. Knows din daw ng kanyang Mama Bob ang guy pero aniya friends lang sila.


Angeline Quinto IG
But wait, may pahaging naman si Angeline na “konti pa” tungkol sa. friendship nila ni Chris. Meaning, konting push na lang siguro ay posibleng maging sila na.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment