Saturday, March 7, 2020

Lalaking Naisama sa Post ng Isang Babae at May Caption na "Wala ng Gentleman" Umalma

Views
Miss Francisco Datu FB/ Denmark Maranan FB


Hindi makapaniwalang nag-viral agad ang larawan ng isang lalaki kung saan nahagip ba o sinadya na isama sa larawan ng isang pasaherong babae at sinabing wala na raw gentleman sa panahon ngayon. Makikita sa post na nakatayo ang babae at nahagip sa nasabing litrato ang mukha niya.
Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ng Facebook user na si Denmark Maranan ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang ibigay ang kanyang upuan. Paliwanag niya pagod siya galing sa trabaho at kahit may bahay silang mas malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan, mas pinili niyang umuwi sa bahay nila sa Bulacan kahit pagod ay para makita niya ang kanyang mga anak kahit pa datnan niya ang mga itong tulog dahil ginagabi na siya ng uwi.

 Dagdag pa ni Maranan, wala siyang galit sa babaeng kanyang pinangalanang Miss Datu at nais niya daw humingi ng paumanhin at hindi niya ito napaupo.


Nakakaiyak lang at sisikat ako sa paraan na ginawa ni ate ! Gusto ko Lang din paliwanag yung side ko! ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Monday to Saturday gumigising ako ng 4am para pumasok sa work. from pandi Bulacan to Sta. Cruz manila. Ang maaga naming uwi Ng misis ko, swerte na sa 8:30pm kapag minalas malas ka pa Aabutin ka pa Ng 9pm to 10pm kapag traffic. Kahit sa office ako pumapasok iba pa Rin Yung pagod at antok sa araw na araw na byahe ko. Minsan di na ko nakakapasok ng sabado dahil sa pagod.
May bahay kami sa Valenzuela pero mas pinipili Kong umuwi Ng Bulacan kahit pagod na pagod Makita ko Lang anak ko kahit tulog na .

Kay Ms. Sam Francisco Datu pasensya na Kung di Kita napaupo knina , pagod at puyat Lang po ako . Wala akong galit o sama Ng loob Kung ibash man ako Ng mga nakakakilala sayo. Basta ko kilala naman ako Ng mga taong nakapaligid sakin Kung anong ugaling Tao meron ako. Godbless!

Please share di ko masearch FB ni Mis. Datu sinend Lang Ng kaibigan ko sakin. gusto ko Lang mag sorry Kasi di ko sya napaupo sa upuan ko at mag thank you na din ako kasi sisikat ako nito! HAHAHAHAHA! ๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚


Samantalang nag-live naman si Miss Datu sa kanyang FB para masabi ang side niya.


Miss Datu FB live


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment