Saturday, April 11, 2020

Hinihinalang Nagpapakalat ng Covid-19 na Babae Sapul sa CCTV, Namamahid ng Laway sa Gate

Views
Mervin Madrid FB profile

Mag-ingat! Pagpapahid ng laway ng isang babae sa mga gate, sapul sa CCTV

Nakuhanan ng CCTV ang isang babae na tila karumaldumal ang paglalakad nito na para bang laseng ang kinabahala pa ng mga tao sa lugar na 'yon ay baka may COVID-19 ito dahil hinahawakan at hinihimas nito ang mga gate na nadadaanan nito sabay tanggal ng mask nito at kumukuha ng laway sa kanyang  bibig. 

Nag-aalala ang mga tagao roon na baka may COVID-19 di umano ito o isa nang patient under investigation at nagagawa pa nitong magkalat ng kanyang laway - Panawagan ng mga residente na sana'y makilala ang babaeng ito upang mabigyan ng aksyon ang kanyang ginagawa  .

Ayon sa netizen na nagngangalang Mervin Madrid, nakunan umano ng CCTV ang gawain na ito ng babae sa Aster St. Barangay Pembo Makati. 

Ayon kay Mervin hindi lang ang bahay nila ang pinahiran ng laway kundi rin ang mga kalapit nito. Dahil labis na nakakaalarma ang ginawa ng karumaldumal na babae na ito kaya nagawa ni Mervin na ibahagi ito bilang paalaala sa mga taga-roon na mag-doble ingat. Panoorin ang bidyo.



Hi Guys!
Di po ako pala post ng ganto.
Sa mga kinauukulan po gusto po namin ipag bigay alam na kung sino po ang nakakakilala sa babaeng ito na nagkakalat po ng LAWAY di namin alam If may sakit po sya. What if PUI po sya, what if COVID POSTIVE po sya? Under cctv po nagpapahid po sya ng laway sa gate namin... And after po nagpahid din sya sa katapat naming bahay. WHAT IF KUNG SA IBANG BAHAY GINAWA RIN PO NYA YAN? ANO PO KAYANG PURPOSE NYA? Nag reklamo at pumunta na po ako sa baranggay PEMBO ang sabi lang po bat daw di namin tinawag yung babae sabi sa baranggay. Eh Bakit naman po namin tatawagin what if may covid po sya? For precautionary measures di namin tinawag. Kase may dalawa kaming SENIOR CITIZEN and TODDLER sa bahay. And next po bakit di daw kami tumawag sa BARANGGAY para ma respondehan agad. Kami mismo di na namin naabutan kasi nireview lang namin yung CCTV turned out ayan ang ginawa nya. And sabi rin po ng baranggay PEMBO "anlakilaki ng PEMBO paano namin mahahanap?" I know busy ang frontliners natin pero ang di nila pagbigay ng pansin dito ay pwedeng makapahamak sa ating lahat. so it means wala silang pake.
PLEASE SANA MAHANAP NA PO SYA.
SHE'S ALSO AT RISK FOR HER SAFETY.
STREET PO NAMIN IS. ASTER ST. ZONE 13 PEMBO MAKATI.
Please SHARE THIS GUYS AND STAY SAFE.
ALWAYS SANITIZE!
THANK YOU.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment