Thursday, June 4, 2020

DJ Loonyo ipinaliwanag kung bakit in-unfollow siya ni Ivana Alawi sa IG at Twitter

Views
Ivana Alawi IG/ DJ Loonyo IG

Matatandaang nauna nang inamin ni DJ Loonyo sa kanyang Instagram Live session na mahal na mahal niya si Ivana at sa live siya ay nag-sorry kay Ivana at hindi daw niya ito niloko o sinamantala.

Ipinaliwanag din niya kung bakit in-unfollow siya ni Ivana sa IG at Twitter.

DJ Loonyo IG


“I never used Ivana. Not even a single minute na intention na gagamitin ko si Ivana. Kapal ko naman. Never ako nanggamit ng tao.

“Para what? Para sumikat or para makuha yung gusto ko? Never ko inisip na ginagamit yun. Alam ni Ivana ‘yan,” diin ng binata.

Inamin niyang nililigawan niya ang aktres pero, “Ayaw ko malaman ng media or ng social media. Gusto ko yung personal actions ko towards Ivana is just low-key.

“Kasi hindi naman kailangan malaman ng tao kung ano yung gusto ko mangyari sa nararamdaman ko for Ivana,” aniya pa.

Lahad pa ng binatang DJ, matagal na niyang gusto si Ivana kaya nang magkaroon ng chance na magkalapit sila, sinunggaban na niya ito agad.

“As time goes by, si Ivana was really my top priority. She’s very special to me. To a point na kapag nagme-message siya, automatic talagang masayang-masaya ako mag-reply.
“Kahit ultimo one line lang message niya, ang haba ng reply ko sa kanya. You can’t hide what you feel.


Ivana Alawi IG


“For Ivana, it’s not only about what I feel. It’s what I think of her. Ang pagmamahal kasi, hindi ‘yan parang nararamdaman mo lang, e."

“Kahit hindi siya mag-reply the whole day, I am completely okay. Kasi pag mahal mo yung tao, mahal mo yung tao."

“What I felt for Ivana is deeper than that. I decided to love her. I decided to do things that will make her feel happy and special,” pag-amin pa ni DJ Loonyo.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment