Friday, June 12, 2020

Jennylyn Mercado Pinangaralan ang Netizen na Minaliit Siya Dahil sa Artista Lang daw ito

Views
Jennylyn Mercado

Matapang na sinagot ni Jennylyn Mercado ang isang netizen na nagsabing wala siyang karapatan mag-post sa kung ano nangyayari sa bansa dahil artista lang daw ito. Dagdag pa ng netizens ay kumanta na lang daw ito at mag-acting at wag a makisawsaw sa nangyayari. Narito naman ang sagot ni Jennylyn:

"Good morning...
Wala namang pinililing panahon, lugar, at tao ang 
magsalita at magbigay ng opinyon. "

"Ano pong meron sakin at wala akong karapatan na gawin yun?
Hindi po porket artista ay wala na kaming kalayaan upang iexpress ang sarili at gamitin ang aming plataporma para magbigay at mamahagi ng impormasyon. 
Ang limitasyon lamang duon ay siguraduhing credible ang ating pinapamahaging balita at may laman o sense ang ating mga pinopost."

"Maganda po na lahat tayo ay nakikipagtalakayan sa isa’t isa para mas lalo tayong magkaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating bansa.
Pero sana sa mga diskusyon ay nandun ang respeto sa isa’t isa kahit iba ang ating mga opinyon o paniniwala. "


"Sana itigil na ng iba gumamit ng masasakit na salita at personal na atakihin ang pagkatao ng mga nakakasalamuha dito sa Social Media. 
Hindi tayo pinalaki ng ating mga magulang na mangaway o hindi rumespeto ng kapwa.
Lahat po tayo ay pantay pantay. Mga tao na sumusunod sa batas at binibigyan ng karapatan nito ng Malayang Pananalita (Freedom Of Speech) upang maipamahagi ang mga natututunan at naoobserbahan."

"I don’t hinder or stop you from sharing your opinion, so don’t tell me to stop from giving mine.
Pasensya na po. Pero nakakalungkot na ang baba ng tingin ninyo sa mga artista at mga tao na hindi parehas ang paniniwala sa inyo. 
Tao po kami. "
 
"Nagiisip, nakakardam, at nagmamahal katulad ninyo.
Ang dami ng negatibo na nangyayari sa mundo, huwag po sana tayo dumagdag dito.
-Jen"

Jennylyn Mercado is a Filipina actress, singer, and songwriter. She is the winner of the first season of the reality talent competition “StarStruck.” Jennylyn is in a relationship with fellow actor Dennis Trillo and she has a son with her former partner, Patrick Garcia. 




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment