Friday, June 5, 2020

Lalaking Nakipag-inuman, Positibo Pala sa Kanyang Swab Test

Views
Lalaking Nakipag-inuman, Positibo Pala sa Kanyang Swab Test

Positibo pala sa COVID-19 ang isang lalaki na nakuha pa maglibot at makipag-inuman sa kanilang barangay sa Negros Oriental. Nakapag-swab test pala ito ngunit hindi ito nag-self quarantine, na-stranded pala umano ang lalaking ito na mula sa Bacolod City. Dahil sa kanyang nagawa, kasalukuyang naka-lockdown ang nasa 60 na kabahayan sa kanilang lugar.

Ang nangyari pala ay habang hinihintay niya ang resulta ng swab test sa kanya ay naglibot ito at ang masaklap pa ay nakipag-inuman pala ang lalaki na ito.

Napag-alaman ng source na na-stranded pala ito sa Bacolod City at nakapag-swab test nang umuwi sa Negros Oriental ngunit hindi ito nag-self quarantine.

Sa ulat ni Marty Go ng ABS-CBN News, bumisita pa ang lalaking ito sa apat niyang kaibigan sa nasabing lugar.

Dahil hindi nag-quarantine ang lalaki, nasa 60 kabahayan ngayong sa Purok 3, Barangay Bugnay sa bayan ng Mabinay ang kasalukuyang naka-lockdown. Kabilang ang lalaking ito sa anim na kumpirmadong kaso sa kanilang lalawigan ayon kay Mabinay Vice Mayor Ernie Jango Uy.




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment