Thursday, July 2, 2020

Con Hindi Nakapagpigil sa Ginawa ni Ryssi sa Pag-share ng Vid Nila ni Skusta sa FB Page na Ry&Con

Views
Ry & Con (Facebook)
Source: Facebook

Sa post ni Con sa kanyang Facebook account na ishinare din niya sa FB page nila ni Ryssin na Ry & Con na may 1.1m followers. Pinagsabihan niya si Ryssi na magbigay ng kaunting respeto at wag daw mag-post ng video na kasama si Skusta sa page na Ry & Con. Matatandaang ginulat ni Ryssi ang mga fans nila ni Con dahil sa pag-share nito ng video na kung saan kasama ni Ryssi si Skusta na kumakanta at ipinost ito ni Ryssi sa FB page nila ni Con na may 1.1m followers. Kaya naman hindi nakapagpigil si Con at ito ang kanyang sinabi:

"Kahit konting respeto naman sana...Andami nanaman nagmimessage sakin about sa page na Ry & Con, hindi po ako yung nagshare ng video."

"Kung ayaw niyo na ng issue, tigil tigilan niyo na please. Okay lang naman sana ry na gamitin mo yung page, Ry & Con naman yun. Sating dalawa yun. Pero yung alam mong nagkaroon na ng issue tapos isasama mo yun, di ko alam kung marketing strategy niyo ba yan para sa kanta na ilalabas niyo.
Mag-isip isip ka nga sa mga ginagawa mo, ako na naaawa sa mga pambabash ng mga tao sa'yo. Ayusin mo sarili mo at wag niyo ko sisihin kung ba’t di ko mapagtanggol mga ginagawa mo kasi ikaw lang din gumagawa ng ikaka bash mo."

"Ulitin ko lang kahit bilang tao nalang, respeto naman.
Gumawa kayo ng page niyong sarili niyo, wag yung may pangalan ko pa kasi hindi lang ikaw ang may ari nyan, pinaghirapan ko rin yan. Good luck sa mga balak mo pang gawin."




Ito naman ang bidyo na ishinare ni Ryssi sa page nila ni Con na kasama si Skusta. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment