Sunday, July 5, 2020

Miyembro ng MYMP Nagsalita na Kung Bakit Banned sila sa ABS-CBN 10 Year Ago

Views
MYMP official YT

Dahil sa pagsasara ng pinakamalaking network sa bansa, nasabi ni Jimmy Bondoc na may mga kilalang tao na babaliktad o magsasalita na pagdating ng panahon lalo na yung mga binan nila sa network dati. Sabi ni Jimmy:

"Balang-araw, and very soon, may maglalabasan na mga spokesperson ng biggest network. Sila ay babaliktad publicly."

"Kahit ang mga pinaka vocal na spokespersons nila, artist man o iba, 
kung sakaling talagang matalo na ang network, ay biglang maglalabas ng "horror stories" nila, at kung papaano silang "napilitan ipagtanggol" ang sistema ng network."

"Lalabo bigla ang usapan. May mga kilala ako ngayon, tulad ng isang beteranang artista, na biktima ng sistema ng network. A Very Valid claim."

"Pero pagdating ng mga hindi totoong claim, magkaka halu-halo na ang totoong kawawa sa mga balimbing."

"The weeds and the wheat. Ako po ay hindi kailanman magbubudbod ng asin sa mga bukas na sugat. Pinagdadasal ko lagi ang mga kaibigan ko sa network na apektado ng non-renewal. Ngunit ang nagdulot nito sa kanila ay ang network, hindi ang gobyerno."

"Kaya lang ako nagbababala ay dahil nakakatakot isipin na ang mga mismong tagapagtanggol nila ngayon ay, sa isang iglap, maaaring bumaligtad, upang muling yakapin ng sambayanang Pilipino.

At dahil madalas napapatunayan na maiksi ang alaala ng Pilipino at likas na mapagpatawad, hindi malayong mangyari na ang mga mismong nagmumura at nanlalait ngayon sa mga "dds" ay balang-araw, susuyuing silang muli sa pamamagitan ng kagandahan, tawanan, at iyakan."

"Ano ang lesson?
Wala naman. 
Panawagan lang sa mga makakaunawa.
Maging mapagpatawad, ngunit wag sana makakalimutin. 
Top priority- protect the President. 
Sya lang ang totoo niyong kakampi."

Isa sa mga sikat na banda ang MYMP back then pero mapapansing bigla na lang sila naglaho at ang dahilan pala ay binan sila ng ABS-CBN at ito ang ikinuwento ng isa sa kanila panoorin. 


"Sa mga matagal nang nagtataka at nagtatanong kung bakit bigla na lang kami nawala sa ASAP at sa halos lahat ng shows ng ABS-CBN, ito po ang kwento namin. Akala namin ay na-resolba na nang paglipas ng panahon ang conflict samin ng ABS-CBN. Hindi pa pala. Sa amin ay lumipas na yun at napatawad na namin kung ano man ang naidulot samin na sakit. Sana mag move on na lang din sila..."




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment