Tuesday, September 15, 2020

Ivana Alawi Ayaw Pumatol sa mga Issues: Alam ko kung Ano ang Tama at Totoo

Views
Ivana Alawi IG


 Alam naman natin kung gaano ka genuine ang isang Ivana Alawi, siya ang tipong madalas mag-post ng mga sexy pictures pero hindi siya sumikat sa pagva-vlog dahil lang dito kundi ang pagiging genuine niya at pagiging likas na mabait at alam ito ng kanyang mga taga hanga. 

Pero dahil din sa kasikatan niya kahit wala siyang ginagawang masama ay marami pa ring galit sa kanya, teka, galit nga ba? O inggit? 

Kahit na nagpapasaya lang si Ivana sa pamamagitan ng pagva-vlog ay kung anu-ano pa ring panghuhusga at panglalait ang binabato sa kanya ng mga bashers. 

Hindi raw kasi nila nagugustuhan ang ginagawa ni Ivana Alawi gaya ng pagpapakita nito ng kanyang katawan sa social media. 

Ivana Alawi IG

Ivana Alawi IG

Pero para sa dalaga, kanya-kanyang trip lang yan sa buhay at hangga’t maaari ay ayaw na niyang patulan ang mga nangnenega sa kanya dahil alam niyang wala ring mangyayari kahit ipagtanggol pa niya sa mga ito ang kanyang sarili.

Sa latest vlog ng dalaga, sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang fans tungkol sa iba’t ibang issue na ikinakabit sa kanya.

“Ever since, hindi talaga ako sumasagot sa issues. Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan,” pahayag ng sexy actress-vlogger.

“Alam ko naman kung ano yung totoo and hindi ko na kailangan iesplika na, ‘Oy, guys, ito talaga. Ito kailangan kong sumagot.” Kasi lalaki lang yung isyu, e.

“At kung alam mo naman yung tama, ano yung totoo, then you’ll just gonna keep quiet, kasi hindi ka naman apektado, e,” chika pa ng bagong pantasya ng bayan.

Aniya, mas mahalaga pa rin sa kanya ang sinasabi ng kanyang pamilya at mga totoong kaibigan na laging nakasuporta sa mga ginagawa niya.

Ivana Alawi IG

“Usually kasi hindi naman ako naaapektuhan, lalo na kapag alam ko yung totoo, and alam ng pamilya ko yung totoo, and yung mga close friends ko.”

“Yun lang naman importante sa akin, e. Wala na akong gustong patunayan sa ibang tao na, ‘Hoy, ganito ‘yon, o ganyan.’
 
“Kasi the true followers and my fans, they know me, and I love them, and I love my family, and I love life,” lahad pa ng YouTuber.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment