Friday, September 4, 2020

Mga BNT Nagluluksa ngayon sa Pagpanaw ng Vlogger na si Lloyd Cadena

Views

Talaga namang ginulat ng pagkasawi ni Lloyd ang buong bansa nang i-post ng kanyang main Facebook page ang isang napakalungkot na balita na halos lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari. 

Isa rin ito sa mga patunay na isang mabuting tao ang isang Lloyd Cadena dahil sa sobrang daming netizens ang nakiramay at hindi matanggap ang kanyang biglaang pagkasawi. Sa katunayan ang post nito sa kanyang main Facebook page ay record breaking sa mundo ng social media dito sa Pinas dahil umabot ito ng 1.5 millions reactions, 209k comments at 648k shares 16 hours simula nang i-post ang pag-announce sa kanyang Facebook page. 

Nakakalungkot isipin na isang kagaya pa niya ang naunang namaalam na kung iisipin mo’y marami pa siyang maitutulong at maiaambag sa bansa, dahil ang kagaya niyang vlogger ay isang example na may mga vlogger pa rin na makabuluhan ang mga contents at tumutulong sa kapwa.

Anyway kung hindi matanggap ng kanyang mga tagahanga ang nangyari isipin na lang natin ang kanyang mga close friends at lalo na ang kanyang pamilya, wala na sigurong lulungkot pa sa pinagdadaanan ng kanyang ina na madalas sila lang ang magkasama. 

Samantalang nagluluksa naman ngayon ang mga BNT sa pamamaalam ng kanilang founder na hinikayat at sinanay silang mag-vlog at ngayo’y may kanya-kanya ng Youtube Channel. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment