Wednesday, October 14, 2020

Vice Ganda Proud na Ipinasilip ang Kanyang Bagong Mansion Mala-Korean Style

Views

Vice Ganda new house

 Lahat tayo may pangarap, at karamihan ay matataas ang pangarap pero iilan lang ang mga pinagpala at ang mga pangarap dati na tila malabong mangyari ay nakamit at sobra-sobra pa isa na siguro riyan si Vice Ganda na kung iisipin mo ay pa-extra extra lang dati sa mga palabas sa TV at pelikula pero ngayon ay isa na sa pinakasikat na artista at isa na rin sa may pinakamataas na talent fee. 

Sa vlog ni Vice Ganda kanyang ipinasilip ang kanyang bagong mansion na kuwento niya ay matagal na itong nabili (lupa) dahil dito raw itatayo ang regalong bahay niya sa kanyang lolo ngunit hindi na ito inabot ng kanyang lolo kaya naman ilang taon din ang nakalipas na hindi ito natayuan ng bahay. 

Screenshot from Vice Ganda YT Channel

Ngayong naka-move on na si Vice sa pagpanaw ng kanyang lolo ay kanyang napagpasyahan na tayuan na lang ito ng kanyang dream house na kung saan lahat ng gusto niya sa isang bahay ay kanyang mailalagay dahil ginawa ito from the scratch at hindi ito binili.

Kulay at texture concrete ang gusto ni Vice sa loob ng kanyang bahay kaya naman tulad ng mga Korean house ay talaga naman napakaganda at minimalist ang datingan. Dito makikita ang mga high tech na gamit at mayroon itong sariling elevator para sa kanyang nanay. 

(Night view) Screenshot from Vice Ganda YT Channel

(Night view) Screenshot from Vice Ganda YT Channel

Mayroon ding itong napakalaking walk in closet kung saan mailalagay ni Vice ang kanyang mga luxurious na mgagamit at kaya naman daw ito malaki dahil gusto ni Vice na nairarampa niya sa loob ang kanyang suot-suot na mga gowns. 

Screenshot from Vice Ganda YT Channel

Screenshot from Vice Ganda YT Channel

Nakakatuwa na sa pamamagitan ng Youtube o vlog ay naibabahagi ng isang artista ang kanilang mga lifestyle at paraan din ito para masmakilala ng mga fans ang kanilang hinahangaang artista gaya ni Vice. Sa dulo ng vlog may ibinahagi si Vice na nakaka-inspire na message na hindi naging madali para sa kanya na maabot ang lahat ng kanyang pangarap, dahil sa mundo ng showbiz mahirap makipagsabayan sa mga gwapo at magagandang artista, pero si Vice ay nagustuhan ng mga tao dahil sa pagpapatawa at ito rin ang kanyang naging daan para makamit ang kanyang pangarap. Panoorin natin ang dalawang part ng kanyang tour sa kanyang bagong bahay. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment