Tuesday, December 29, 2020

Kathryn Bernardo Ipinakita ang Ilan sa Paborito Niyang mga Luxury Bags

Views

 

Kathryn Bernardo YT

Bilang isang actress na simula bata hanggang sa pagdadalaga ay kinalakihan na ni Kathryn Bernardo ang pagiging isang artista at masasabi nating sa tagal na niya sa showbiz at napapanatiling maayos at hindi dikitin ng issue ay isa na siguro Kathryn sa mga pinaka-successful na actress sa bansa. 

Kathryn Bernardo IG

Kathryn Bernardo IG


Ipinanganak noong March 26, 1996 si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o maskilala nating bilang Kathryn Bernardo na binansagan na ring Phenomenal Box Office Queen dahil siya lang ang actress na naging highest grossing film sa bansa ang kanyang dalawang pelikula na na “Hello, love, Goodbye” at “The Hows of Us.” Kumita lang naman ang dalawa niyang pelikula ng lagpas sa P800,000,000 bawat isa. 

Poster credits to ABS-CBN.com

Poster credits to ABS-CBN.com


Masnakilala kasi si Kathryn Bernardo noong ginampanan niya si Mara sa telenovela na Mara Clara at simula noon nagsunud-sunod na ang kanyang mga pelikula kung saan ka-love team niya si Daniel Padilla na ngayo’y kasalukuyan niyang kasintahan sa totoong buhay. 

Ipinanganak si Kathryn sa Cabanatuan at ang kanyang mga magulang ay sina Luzviminda at Teodore Bernardo at mayroon din siyang tatlo pang mga kapatid na dalawang babae na sina Chrysler at Kaye at isang lalaking kapatid na si Kevin at si Kath ang pinakabata sa mga magkakapatid. Napalaki si Kathryn bilang member ng Iglesia ni Cristo pero hindi pa tiyak kung hanggang ngayon ay isa pa rin siyang tagasunod ng kinalakihang religion. 

PHOTO: INSTAGRAM/BERNARDOMIN

Noong napapabalita na magsasara na ang kanyang network na ABS-CBN ay minabuti na rin ni Kathryn ang pumasok na rin sa mundo ng vlogging dahil halos naman lahat ng artista ngayon ay pinasok na rin ang pagvo-vlog. 


Sa kanyang isang vlog ay kanyang ipinakita ang mga designer bags na kanyang paborito dahil naman sa kayang-kaya bumili ni Kath ng mamahaling mga gamit tulad ng luxury bags ay paniguradong hindi ito problema sa kanyang budget. 

Kathryn Bernardo YT

Kathryn Bernardo YT



Pero kahit alam natin kung gaano kataba ang laman ng bank ni Kath hindi ito spoiled sa pagbibili ng kung anu-ano na lang gaya ng mamahaling bags dahil sa katunayan ay nagpapaalam muna siya sa kanyang magulang bago niya bilhin ang isang mahal na gamit. Tara ating alamin kung anu-ano ang designer bags na paborito ng isang Kathryn Bernardo. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment