Friday, December 18, 2020

Viy Cortiz at at Cong Nagluluksa Dahil Nakunan si Viy

Views


Hindi inaasahan ng vloggers na si V Cortiz at Cong TV na sa kabila ng tagumpay at blessings nila nitong mga nakaraang taon ay mararanasan nila ang matinding lungkot dahil sa nakunan si Viy Cortiz. 

“Ngayong 2020 sobrang maraming nangyari sa buhay ko. Sobrang daming blessing na binigay sakin ng Diyos,” pagbubukas niya sa kanyang latest post sa YouTube na may titulong “Blessing.”

“Nagkaroon ako ng mga bagong business, endorsement, bahay, sasakyan. At akala ko ‘yon na ‘yon. Akala ko yon na ang mga biyayang makukuha ko ngayong 2020,” wika ni Viy.

Viy Cortez YT


“Pero last December 12, meron Siyang ibinigay pa uli na isang blessing na ‘yon siguro ang pinakamagandang blessing na makukuha ko ngayong 2020,” wika pa niya.


“Nung December 12, nalaman namin ni Cong, nalaman ko muna na buntis ako. Tapos pinakita ko yon kay Cong, sobrang saya niya na nalaman niya na buntis ako. Tapos nagpa-check up kami, nalaman ko na six weeks pregnant na ako nung December 12,” ani Viy.


Kapwa sila excited sa darating nilang unang baby. “Ang dami na naming plinano ni Cong sobrang saya namin,” wika niya.

Viy Cortez YT

Viy Cortez YT



“Pero kahapon saktong monthsary namin ni Cong, dinugo ako,” ani Viy.


“Madaling araw inubo ako tapos may lumabas na ano, six weeks pa lang, may lumabas na parang blood clot,” kwento pa niya.


Dahil dito ay isinugod siya sa ospital. “Tapos pinauwi ako kase hindi naman ganon kagrabe ang dugo.”


“So ngayong araw kami pumunta ni Cong sa ospital,” pagpapatuloy ni Viy.


“So kinonfirm kanina…nakunan ako,” pagpapatuloy niya habang umiiyak.


Humingi siya ng paumanhin sa kanyang magulong vlog.


Sad Cong



“Sorry, hindi ko kase naisip kung pano gagawin itong ang video na ito,” ani Viy.


“Gusto ko lang magkwento para kahit paano meron siyang memory sa akin kahit saglit lang,” pagpapatuloy ni Viy.


Sinabi niya na sobrang malungkot si Cong, ang vlogger na likod ng sikat na Cong TV sa YouTube.


“Sobrang lungkot ni Cong. Pero kailangan niyang ipakita sa akin na strong siya dahil sa kanya ako kumukuha na lakas ng loob,” aniya.


“Dumating siya, blessing siya ni Lord, pero siguro ganon talaga. Baka hindi pa tamang oras, baka may tamang oras. Dadating din yung tamang oras,” wika pa ni Viy.

 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment