Sunday, January 3, 2021

Bagong Bahay ni Vice Ganda may mga Gamit na at Kanyang Ibinida

Views
Photo: Vice Ganda YT

Matatandaang nagpagawa ng bagong bahay si Vice Ganda at ito yung property na kung saan kanyang binili para ipatayo ang bahay sana ng kanyang lolo ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito inabutan ng kanyang yumaong lolo kaya naman para hindi ito masayang at mabakanti ay kanya itong ginawan ng sarili niyang dream house.

Nagawan na ito ng vlog ni Vice dati ang house tour at kung anong concept ang gusto niya para sa kanyang dream house at ito ay ang maging minimalistic at mala-metal ang texture ng mga walls kaya naman ang color scheme ng kanyang dream house ay para bang texture ng bakal. 

Ngayong tapos na ang kanyang bahay, minabuti ni Vice na maging minimalistic pa rin ang mga gamit sa loob at dapat match na match pa rin sa kulay ng kanyang bahay, sa sala pa lamang ay napakaganda na ng mga napili niyang materials at gamit may sofa pa ito na nakatayo na talaga namang kakaiba at pwede pa itong paikutin, at sa harapan naman ay may malaking larawan ng isang tulay na nagbibigay effects na para bang tatagos ka sa wall ng sala. 

Photo: Vice Ganda YT
Photo: Vice Ganda YT

Mayron din itong upuan na bilog na pang-accent sa metalish na kulay ng sala para kahit papaano ay may highlights na kulay ang sala na sa ganda nito ay pwede kang mag-pictorial, mayroon ding upuan na parang pot o banga na ‘pag uupo ka ay pwede kang paikutin na para bang ika’y matutumba ngunit naka-design ito na hindi ka talaga matutumba kahit paikut-ikutin ka. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Agaw-pansin naman ang isang napakalaking kabayo na lamp ni Vice na kung iisipin mo ay ang kabayo na ito ay para bagang sign na minsan naging pangkutya ito kay Vice pero kahit ganun pa man ay naging successful pa rin siya at ngayon ay ginawa pa niya itong design sa kanyang sala. Mala-mall din ang kanyang aircon dahil centralized ito na talaga namang hindi mo makikita sa mga pangkaraniwang bahay.

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Nabanggit na rin ni Vice dati na tumatanda na rin ang kanyang ina kaya naman nagpalagay na rin siya ng sarili niyang elevator na talaga namang ang sosyal dahil akala mo malaki itong microwave dahil may hawakan ito na para bang hawakan ng ref sa may door ng elevator, pero sabi ni Vice ay dahil pwedeng maglagay ng finger print dito kaya yung naka-register lamang na finger print ang pwedeng magpaandar ng elevator. 

Photo: Vice Ganda YT

Sa bandang gitna ng kanyang vlog ay ipinakita niya ang kanyang theater room na kung saan may napakalaking screen, matatandaang hilig ni Vice ang TV kaya naman hindi niya tinipid ang sarili niya sa TV at mas-high tech pa ang kanyang kinuha dahil latest projector ang gamit niya na hindi tulad sa mga lumang projector na nasa likod ang projector, ang mga makabagong projectors ngayon na gaya kay Vice ay nasa harapan na mismo na kung saan katabi lang ito ng screen na white board. 

Hindi rin tinipid ni Vice ang kanyang sound system sa kanyang theater room dahil naka-Dolby Atmos o surround system pa ito, at mayron ding malaking mesa sa theater room ani Vice ay pag may usapin lalo na sa related sa kanyang mga projects ay pwede dito magusap-usap o pang brainstorm area nila.

Nakalagay din sa loob ng theater room ang mga awards ni Vice na sa sobrang dami nito ay hindi pa rin nagkasya sa lagayan pero promise naman ni Vice sa mga nagbigay sa kanya ng awards ay hahanapan niya ng paraan para ma-display lahat ng kanyang awards. Nilagyan na rin ng pandikit ang mga awards ni Vice dahil nakapaloob ito sa theater room na sadyang malakas ang bass kaya minsan ay nahulog at nabasag ang isa sa kanyang awards, kaya naman hindi na ito nagdalawang isip at agad ipinadikit ang kanyang awards sa kung saan ito nakatayo para hindi na magalaw at mahulog pa. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

12-seater table naman ang napakalaking dining room ni Vice na may dalawang unique na ilaw na para bang panakip ng ulam sabi ng mga bffs ni Vice, talaga naman winner ang napakalaking glass table ng dining room ni Vice at sa katunayan ay hindi pa raw official ang mga nakalagay na upuan doon dahil hindi pa dumarating ang kanyang inorder na upuan para sa kanyang dining table.

May apat namang malalaking glass panel na walls sa harap ng dining room na matatanaw din ang swimming pool ni Vice na glass din na para bang napakalaking aquarium at may dumbwaiter din ito na nagsisilbing tagahatid ng food sa taas, diba sosyal parang may sariling elevator ang pagkain ni Vice. 

Ang clean kitchen naman ni Vice ay sadyang napakalaki, kung ang clean kitchen ng ibang bahay ay katabi lamang ng dining area, ang kusina ni Vice ay may sariling room at sa laki nito ay para bang kusina ng isang restaurant. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

 
Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

 Sa last part ng kanyang part 1 ng kanyang vlog tungkol sa mga gamit ng kanyang dream house ay ibinida ni Vice ang kanyang pool na parang napakalaking aquarium at sabi pa ni Vice ay napakaganda raw nito lalo na sa gabi dahil may mga ilaw ito sa ilalim na nagbabagu-bago ng kulay. Mayron ding sariling bar na para daw ito sa kanyang kaibigan na mahilig uminom. Dito nagtapos ang unang bahagi ng kanyang house tour na kung saan ipinakita niya ang kagamitan ng kanyang bagong bahay. Abangan natin ang part 2. 

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Photo: Vice Ganda YT

Ating panoorin ang house tour ni Vice: 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment