Sunday, January 31, 2021

Heart at KC Nanawagang Papaano Matulungan ang Isang Amang Nag-viral na Nawalan ng Trabaho

Views

Photo: Heart and KC IG

 Talagang masakit mang isipin pero dahil sa pandemya ay napakaraming Pilipino ang nawalan ng trabaho kaya naman para sa isang responsableng padre de pamilya na nawalan ng trabaho ay napakahirap ng pinagdadaanan lalung-lalo na yong nakikipagsapalaran dito sa Manila para lang makapag-trabaho at matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. 

Photo: KC Concepcion IG

Photo: Heart Evangelista IG

Viral kasi ang larawan ng isang ama na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na nai-post ng Phil. Star na nakarating naman at umagaw ng atensyon sa dalawang aktres na sina Heart Evangelista at KC Concepcion. 

Isang lalake na nawalan ng trabaho na umantig sa puso ng dalawang aktres dahil sa nakasulat sa card board na talaga namang nakaka-touch kaya naman pati si Heart at KC ay humingi ng tulong sa kanilang mga fans at followers paano makita o ma-contact ang isang lalake na nasa larawan para matulungan. 

Sa pamamagitan ng kanilang IG-story at Twitter doon nila ipinahayag kung papaano ma-contact ang isang amang nawalan ng trabaho. 

Photo: KC Concepcion IG

Photo: Heart Evangelista Twitter



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment