Tuesday, February 23, 2021

Vivoree Nasaktan sa Pagbo-body-shaming sa Kanya sa It’s Showtime, Netizens Nag-react

Views
Photo: Vivoree IG


Hindi naiwasan ni Vivoree ang lungkot na naramdaman nang maranasan niya ang pagbo-body-shaming sa kanya ng isang host sa It’s Showtime na sa sobrang apektado niya ay nagawa niyang magparinig at ipahiwatig ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang IG-story.

Kapansin-pansin na ipinapaabot ni Vivoree ang kanyang IG-story sa episode ng It’s Showtime na kung saan ginawang katuwaan ang kanyang katawan nang ipakita sa screen kung kaninong katawan ang ipinapakita sa screen na may mabalbon o mabalahibo na legs sabay joke naman ng isang host na si Vivoree daw yun at agad naman ipinagtanggol ng isang host si Vivoree at sinabing mabalbon din daw naman siya kaya it’s normal. 

Photo: Vivoree IG

Photo: Vivoree IG


Ayon pa sa isang netizen na nag-tweet ng bidyo ng It’s Showtime na kung saan ginawang katatawanan ang katawan ni Vivoree ay sanabi nya na “ This is not funny, this is the last time you’re gonna make fun of her.”  umabot naman ng mahigit 1k ang retweet ng bidyo at umani ng daang-daang komento.

Naging hot topic din ito nang mai-post sa kilalang entertainment site na Fashion Pulis dahil umani ito ng mahigit 130 comments. 

Ilan pa sa comments ay sinabi na:

Actually sila ni Teddy dapat wala diyan. Wala naman ambag masyado. Kairita lang both. Feeling nila sila Jose at Wally ng show. Pero mas decent naman si Teddy ng ilang paligo. Ito si Jugz bukod sa korni, trying hard at wala pa sa hulog lagi mga banters niya. Take note lagi niya nababanggit na may pinag aralan siya at Atenista.

Parang walang pinagaralan. At babae pa talaga pinagtawanan niya. Alam mo naman ang mga babae sensitibo pagdating sa kanilang katawan. 

Kung alisin mo si Jugs diyan eh wala na yan mapupuntahan. At saka joke lang naman. Nag sorry nga agad. Dapat ba lumuhod pa? Mabalbon naman talaga idolet niyo. At saka kung si Meme ang bumitaw ng joke. Sa tingin niyo eh magddrama pa yan? Humility na lang sana pinapairal. Kababaang loob. Makikita naman ng tao iyon. At over the years mas sisikat pa ang may magandang ugali.

Photo: Screenshot from Fashion Pulis

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment