Saturday, March 13, 2021

Ely Buendia, Inamin na ang Tunay na Ibig Sabihin ng Spoliarium na Siyang Parinig sa Sikat na Hosts

Views

 

Kamakailan ng aminin ng vocalist ng eraserheads na inuman langat lasingan lang daw ang talagang ibig sabihin ng kontrobersyal hit song ng Eraserheads na “Spoliarium.”

At midmong ang dating lead vocalist ng OPM legendary group ang nagbahagi kung ano ba talaga ang kuwento sa likod ng nasabing kanta na naging usap-usapan nga noong ilabas na nila ito.

May mga nagsasabi kasi na ibinase raw ang kanta ng Eraserheads sa umano’y masamang issue umano sa 1980s sexy star na si Pepsi Paloma. Ayon sa ilang nakarinig ng “Spoliarium” may ilang lyrics daw na tumutukoy sa nasabing rape case.

Sa unang pagkakataon nga raw ay, ipinaliwanag nga ni Ely Buendia sa isang podcast na wala naman daw malalim na hugot ang kanilang kanta na hanggang ngayon nga ay usap-usapan pa rin sa mga inuman lalo na ng mga fans ng grupo.

At paglilinaw ng singer-songwriter ang gintong alak na nabanggit sa kanta na kabilang nga sa kanilang “Sticker Happy” album, ay hango sa alak na Goldshläger.

“Spoliarium is one of those cases where really the myth has sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth,” simulang pagbabahagi ni Ely sa podcast na “Wake Up With Jim & Saab.”

 “Because the actual meaning of the song is also again, just really mundane. Alam niyo yung drink na Goldshläger? So we were drinking that, and that gintong alak, that’s what it meant. It’s all about getting pissed drunk.”

Bukod pa nga raw dito, nabanggit din ng OPM hitmaker na ang mga pangalang “Enteng” at “Joey” sa kanta ay ang kanilang mga road manager at walang kinalaman sa mga kumakalat na tsismis tungkol kay Pepsi Paloma.

“They were roadies. Kaya first time ko nabasa ‘yun, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to, ah.’ There really is, sometimes, ‘yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens,” pahayag pa ni Ely.




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment