Friday, March 5, 2021

Facebook ni Manny Pacquiao Dinagsa ng Netizens Dahil sa Memes na Kumakalat

Views
Photo: Manny Pacquiao FB

 Usap-usapan ngayon ang memes na kumakalat na kung saan viral ang post ni Manny Pacquiao sa kanyang Facebook Page na kasama niya ang kanyang anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao at Queen Elizabeth Pacquiao at kasama ang pet nilang aso. 

Umabot kasi ng mahigit 220k ang reactions sa naturang post at may 12k na comments, sa comment section kapansin-pansin ang ang mga netizens na naghahanap ng kumakalat na memes na kung saan natuwa raw si Manny sa comment ng isang netizen at kinukuha ni Manny ang G-cash nito para mabigyan ng pera dahil natawa si Manny sa comment ng naturang netizen. 

Photo: Manny Pacquiao IG

Photo: Manny Pacquiao IG

Bagamat viral ang memes na ‘yon pero hindi ito mahanap sa comment section ng naturang post kaya naman baka gawa-gawa lang ito ng mga taong gumawa ng naturang meme para mag-viral ang kanilang Facebook page at tumaas ang followers nito. 

Photo: Manny Pacquiao FB

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment